Sunday, March 6, 2016

OTIE CAMANGIAN AT KARL CHAN : BATMAN AND ROBIN NG PHILIPPINE VOLLEYBALL

courtesy of sg.sports.yahoo.com
courtesy of sg.sports.yahoo.com
Nabuo ang Dynamic Duo ng Philippine volleyball nang biglang nagpahinga si Gener Dungo bilang presidente ng Philippine Volleyball Federation (PVF) noong 2014. Sa pagkawala ni Dungo, naluklok na interim president si Karl Chan. Nanatili namang secretary-general si Otie Camangian noong mga panahon na iyon. At dun umusbong ang Camangian-Chan tandem.

Sa ilalim ng pamunuan nina Chan at Camangian, matagumpay na naisagawa sa bansa ang Asian Men's Club Championship nuong 2014. Sa ilalim rin ng dalawa nabuo ang national teams na kinabibilangan ng mga pinaka-sikat at pinaka-magagaling na volleyball players ng bansa. Binansagang Pilipinas Bagwis at Amihan, nabuo ang national teams sa tulong at suporta ng pinakamalalaking kumpanya ng bansa. Maging ang national youth teams ay nakunan ng dalawa ng suporta sa malalaking kumpanya.

Subalit biglang naudlot ang magagandang plano at adhikain nina Camangian at Chan nang biglang umeksena ang Joker, Penguin at Riddler ng Philippine Olympic Committee (POC) at Asian Volleyball Confederation (AVC). Nadiskaril pati ang Amihan at Bagwis. Tuluyang naputol ang 5-year program para sa Philippine volleyball.

Sa kasalukuyan, namamayagpag sina Joker, Penguin at Riddler bagamat wala silang national teams na nabubuo. Samantala, patuloy lang sa paggawa si Camangian at Chan upang maipagpatuloy ang magagandang nasimulan. Executive director si Otie Camanian at vice-president si Karl Chan ng PVF. Si Edgardo Cantada naman ang presidente ng PVF.

Patuloy lang ang Batman and Robin ng Philippine volleyball sa kanilang hangarin na mapabuti ang lagay ng volleyball sa bansa. Bagamat tila bugbog sa kasalukuyan, di magtatagal at mananaig din ang Dynamic Duo sa pakikibaka para sa mga naaapi.

No comments:

Post a Comment