Nakakadismaya ang naging performance ng Pilipinas sa nakaraang SEA Games na ginanap sa Singapore, lalung-lalo na sa volleyball. Sa unang pagkakataon mula 1977, walang napanalunang medalya ang Philippine women's volleyball team sa SEA Games.
Ang mas nakakadismaya, nanulot pa ang LVPI bilang volleyball NSA para lamang ilagay sa kahihiyan ang bansa. Sinira at ipinawalang-saysay ng LVPI ang pagod at preparasyon ng Pilipinas Amihan at Bagwis para sa iba't-ibang torneo para lang umeksena. Ipinagkait sa volleyball ng LVPI ang Php 250M na sponsorship para sa volleyball ng dalawa sa pinakamalaking kumpanya sa Pilipinas. Kaya naman ngayon, di makasali sa VTV Cup sa Vietnam ang women's team at ang men's team sa isang torneo sa Iran dahil sa kakulangan sa pondo.
Kaya naman, layunin ng signature campaign na ito na himukin ang opisyal ng POC at LVPI na ipaubaya na sa PVF ang pamamalakad sa volleyball.
Iligtas natin ang bansa sa dagdag pang kahihiyan. Iligtas natin ang volleyball sa mga kamay ng mga oportunista at sakim sa kapangyarihan at yaman. Iligtas natin ang mga atleta na ginagamit lang upang maisakatuparan ang pansariling interes ng ilan.
Ilakip natin ang ating pirma upang iligtas ang volleyball sa Pilipinas.
Sumasainyo sa isang makabuluhang layunin,
Eric
No comments:
Post a Comment