Sa nakaraang mandatory injunction hearing sa pagitan ng PVF, LVPI at POC, hiningi ng judge ang POC recognition ng LVPI. Napansin ng judge na ilang ulit na binabanggit ng abugado ng LVPI na ang LVPI ang kinikilalang NSA ng POC. Subalit sa kabila ng paulit-ulit na pahayag ng abugado ng LVPI, walang makitang dokumento ang hukom na magpapatunay sa mga pahayag na ito. Kaya, minabuti ng hukom na humingi ng kopya ng POC recognition ng LVPI mula sa abugado mismo ng LVPI.
Sana naman, hindi na humingi ng extension ang LVPI sa pagsumite ng hinihinging POC recognition. Napakadali kasing idahilan na ang mga opisyal ng LVPI ay nasa SEAG kaya nangangailangan pa sila ng dagdag na panahon para matugunan ang hiling ng hukom. Subalit, ang nasabing dokumento ay nagawa na nuon pang Jan. 20, 2015. Sa katunayan, nuong Jan. 20, 2015 sumulat si POC President Cojuangco sa FIVB para sabihin na LVPI ang kinikilalang NSA ng volleyball sa Pilipinas.
Siguro naman, hindi bitbit ni LVPI President Romasanta ang nasabing dokumento sa SEAG para di maisumite sa korte sa Martes. At sa malamang, naka-file lang ito sa opisina ng LVPI sa Pasig.
Kung hihingi pa ng extension ang LVPI, isa lang ang ibig sabihin nito. Wala talagang POC recognition ang LVPI at gagawa pa ito, sa pakikipagtulungan ng POC, para maisumite sa korte.
No comments:
Post a Comment