The Gold Medal focuses on the men and women who show excellence in sports and sports management. The Gold Medal likewise honors athletes and sports officials who try to effect change in Philippine sports.
Monday, December 22, 2014
A PICTURE IS WORTH A THOUSAND WORDS
Tawag-pansin ang isang Instagram pic na ipinost ni Richard Gomez sa kanyang twitter account. Makikita sa larawan na kasama ni Goma sina Peping Cojuangco at Joey Romasanta. Kinuha ang larawan nuong ika-18 ng Nobyembre 2014.
Kung noon pang Nov. 18 dumating sina Peping at Romasanta sa Thailand, paano nakarating sa kanila ang gulo sa Philippine Volleyball Federation ? Noong Nov. 26 lang pumutok sa mga pahayagan ang isinagawang panggugulo ng grupo ni Cantada. Matatandaan rin na nuon pa lang Nov. 23 nagsagawa ng pagpupulong at halalan sina Cantada at ilang PVF board members. Pero Nov. 22 nagsumbong na sina Peping at Romasanta sa mga AVC officials sa Thailand. Ano ang isusumbong ni Peping at Romasanta na "leadership dispute" kung hindi pa nagaganap ang pagrerebelde ng grupo ni Cantada ?
Tawag-pansin din na kasama sa larawan si Jonne Go. Si Go ang PCKF president na bumuwag ng dragon boat team matapos itong magreklamo ng anomalya laban sa kanyang pamunuan.
Kung hindi gagawa nang tamang hakbang ang PVF, sa malamang sapitin din ng Philippine volleyball teams ang sinapit ng Philippine Dragon Boat Team. Matindi at mautak ang kalaban ng PVF. Kaya kailangan ang galing at suporta ng mga nagmamahal sa volleyball para manatiling buhay ang PVF at Philippine Bagwis at Amihan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment