Saturday, December 6, 2014

HAMON SA POC AT 5-MAN COMMITTEE : ILABAS ANG FIVB DIRECTIVE AT WAG ITURING NA TANGA ANG VOLLEYBALL FANS

Sa tingin nina Peping Cojuangco, Joey Romasanta, Tats Suzara, Ricky Palou at Atty Malinao, tanga at bobo ang mga volleyball fans kaya lakas-loob silang gumawa ng hakbang laban sa Philippine Volleyball Federation sa pamumuno nina Karl Chan At Otie Camangian. Pero nagkakamali sila.

Unang-una, sino ang maniniwala na inutusan sila ng FIVB na buwagin ang PVF at magtayo ng bagong volleyball federation ? Nasaan ang kasulatan na mula sa FIVB na naglalaman ng nasabing utos ? Kung walang dokumento, sabi-sabi lang ang lahat.

Pangalawa, saan ka nakakita na hindi man lang dininig ng isang international sports body ang kabilang panig hinggil sa isang isyu na kailangang resolbahin ? Ayon kay Romasanta, nakipag-usap siya kay Wei Jizong at duon din mismo ay pinaniwalaan siya kayat binigyan na siya ng go-signal na buwagin na ang PVF at bumuo na ng bagong volleyball federation. Ibig bang sabihin ni Romasanta ay nakikinig sa sulsol at nagdedesisyon ang FIVB  nang hindi napapakinggang ang lahat ng panig ?

Pangatlo, anong leadership squabble ang binabanggit ng POC na siyang dahilan ng kanilang panghihimasok ? Maging sa grupo ni Boy Cantada, si Karl Chan ang piniling presidente. So, anong leadership squabble ang tinutukoy ng POC ?

Pangapat, alam ng mga volleyball fans na ang normal na proseso sa pagresolba ng ano mang gulo sa isang NSA ay ang pag-usapan ito sa loob mismo ng NSA. Walang karapatang manghimasok ang POC dahil may autonomy ang bawat NSA.

At eto ang pinaka-nakakatawa sa lahat. Lumabas sa mga pahayagan nuong Nov. 26, 2014 ang naganap na elekyon na isinagawa ni Boy Cantada. Nov. 28, 2014 nakatanggap na agad ng sulat ang POC mula sa FIVB na naguutos daw sa POC na gumawa na sila ng 5-man committee. Ano yun, isang araw lang ang pagitan ? Ganun kabilis ang mga pangyayari ?

Tunay na hindi tanga at bobo ang volleyball fans.




No comments:

Post a Comment