Ang buong akala ng Philippine Olympic Committee ay madali nitong mabubuwag ang Philippine Volleyball Federation na pinamumunuan nina Karl Chan at Otie Camangian. Palibhasa, kakuntsaba ng POC si Tats Suzara na sinasabing malakas daw sa mga opisyal ng FIVB at AVC. Matatandaan na si Suzara ang naging tulay para makausap nina Peping Cojuangco at Joey Romasanta sina AVC Vice-President Shanrit Wongprasert at FIVB honorary president Wei Jizhong. Inasahan ng POC na kikilalanin ng AVC at FIVB ang itatayo nitong bagong volleyball federation sa konting sumbong lamang.
Subalit hindi inasahan ng POC at ni Tats Suzara na may hawak na letter of attestation sina Chan at Camangian na galing mismo sa FIVB na inilabas nitong Nobyembre 2014 lamang. Ang FIVB letter of attestation ay matinding pagkilala sa magandang nagawa at ginagawa ng PVF bilang national federation sa pamumuno nina Chan ar Camangian. Di mapapasubalian ang pagtugon sa tungkulin ng PVF bilang volleyball federation dahil mismong ang FIVB ang nagpapatotoo nito.
Kaya nga, hirap na hirap ngayon ang POC at si Tats Suzara kung paano maisasakatuparan ang kanilang baluktot na hangarin. Hanggang ngayon, wala silang naitatayong bagong volleyball federation. Hanggang ngayon, di nila makuha ang simpatiya ng publiko.
Ang PVF na kaya ang sisira sa POC at kay Tats Suzara ?
Abangan.
No comments:
Post a Comment