Monday, December 29, 2014

THE BIGGEST NEWSMAKERS IN PHILIPPINE SPORTS FOR 2014

There were not too many bright spots for Philippine sports in 2014.  However, there were several sports personalities who hugged the limelight in 2014 even for a brief moment. Here are some of them :

1. Coach Chot Reyes and Gilas Pilipinas
courtesy of spin.ph
Gilas Pilipinas, under Coach Chot Reyes made waves at the FIBA World Cup with its gutsy stand against some of the best teams in the world. But Coach Chot destroyed all the goodwill that the team generated when he instructed his players to shoot at an opponent's basket in Incheon Asian Games.

2. Manny Pacquiao
courtesy of christianpost.com

His victory against Algieri made the country proud once again. His victory ignited talks once again of a possible match with Mayweather which could easily be the fight of the century.

3. Peping Cojuangco, Joey Romasanta, Ricky Palou and Tats Suzara against PVF President Karl Chan and Sec-Gen Otie Camangian

courtesy of spin.ph
With volleyball gaining unprecedented popularity and multi-million sponsorships, Cojuangco, Romasanta, Suzara and Palou suddenly went to Thailand to report on the leadership dispute and ineptitude of Philippine Volleyball Federation under Chan and Camangian. Too bad for the senior citizens that Chan and Camangian have a letter of attestation from FIVB itself.

4. Coach Boyet Fernandez and San Beda Red Lions
courtesy of banderainquirer.net
Coach Boyet steered San Beda to a 5-peat in 2014. San Beda too won the PCCL crown for the very first time.

5. Daniel Patrick Caluag
courtesy of spin.ph
The BMX rider won the only gold medal for the Philippines in 2014 Incheon Asian Games. Too bad that he holds dual citizenship and is not purely Pinoy.

6. Gabriel Moreno
courtesy of rappler.com
Kuya Germ's grandson won a gold medal in the Youth Olympic Games in Nanjing, China. The young archer may just bring more honor to the country with his great potential.

7. Efren "Bata" Reyes
courtesy of examiner.com
At 60, Reyes still has it in him to win the singles crown in the 2014 Manny Pacquiao 10-ball Tournament.

8. Wesley So

courtesy of chessgames.com
Wesley So was able to break in the top 10 in FIDE world rankings in 2014. He continues to lead in a prestigious Las Vegas tournament at the moment. Sadly, he will not be playing for the Philippines anymore after getting snubbed by local sports officials.

9. Michael Christian Martinez

Martinez finished 19th in figure-skating in the recent Sochi Winter Olympics. He captured the imagination of
Filipinos as he showed the grace and skill that a Filipino can acquire in a sport that is so un-Filipino.





Saturday, December 27, 2014

ANG PVF NA BA ANG SISIRA SA POC AT KAY TATS SUZARA ?

Ang buong akala ng Philippine Olympic Committee ay madali nitong mabubuwag ang Philippine Volleyball Federation na pinamumunuan nina Karl Chan at Otie Camangian. Palibhasa, kakuntsaba ng POC si Tats Suzara na sinasabing malakas daw sa mga opisyal ng FIVB at AVC. Matatandaan na si Suzara ang naging tulay para makausap nina Peping Cojuangco at Joey Romasanta sina AVC Vice-President Shanrit Wongprasert at FIVB honorary president Wei Jizhong. Inasahan ng POC na kikilalanin ng AVC at FIVB ang itatayo nitong bagong volleyball federation sa konting sumbong lamang.

Subalit hindi inasahan ng POC at ni Tats Suzara na may hawak na letter of attestation sina Chan at Camangian na galing mismo sa FIVB na inilabas nitong Nobyembre 2014 lamang. Ang FIVB letter of attestation ay matinding pagkilala  sa magandang nagawa at ginagawa ng PVF bilang national federation sa pamumuno nina Chan ar Camangian. Di mapapasubalian ang pagtugon sa tungkulin ng PVF bilang volleyball federation dahil mismong ang FIVB ang nagpapatotoo nito.

Kaya nga, hirap na hirap ngayon ang POC at si Tats Suzara kung paano maisasakatuparan ang kanilang baluktot na hangarin. Hanggang ngayon, wala silang naitatayong bagong volleyball federation. Hanggang ngayon, di nila makuha ang simpatiya ng publiko.

Ang PVF na kaya ang sisira sa POC at kay Tats Suzara ?

Abangan.

UAAP WOMEN'S VOLLEYBALL SEASON 77 : SUPPORT LA SALLE AND BOYCOTT ATENEO

courtesy of wattpad.com


In the current Philippine volleyball crisis, La Salle is on the side of PVF President Karl Chan at Sec-Gen Otie Camangian.  Ateneo, on the other hand, is on the side of Ricky Palou and Philippine Olympic Committee  Vice-President Joey Romasanta.

courtesy of spin.ph


At a time when people and institutions must take a stand against politics in sports and outright usurpation of authority, Ateneo chooses to side with people who make matters worse. Ateneo is carelessly unmindful of its stand as it stands by Ricky Palou who happens to be its athletic director and a staunch supporter of Joey Romasanta.

La Salle, quite oppositely, continues to throw its support to the two PVF officials who have done so much for Philippine volleyball in such a short time. Coach Ramil de Jesus, Mika Reyes, Kim Fajardo and Ara Galang continue to give their all to the national team.

With the two opposing views of the rival schools, volleyball fans must carefully study which to support. It is only proper to reward and hold in high esteem the school that dares to do the right thing. Likewise, it is only right to punish the one that only protects its selfish interest. So the next time that La Salle plays, kindly give the team your support. And kindly give Ateneo the cold shoulder to force it to do the right thing.


Monday, December 22, 2014

A PICTURE IS WORTH A THOUSAND WORDS


Tawag-pansin ang isang Instagram pic na ipinost ni Richard Gomez sa kanyang twitter account.  Makikita sa larawan na kasama ni Goma sina Peping Cojuangco at Joey Romasanta. Kinuha ang larawan nuong ika-18 ng Nobyembre 2014.

Kung noon pang Nov. 18 dumating sina Peping at Romasanta sa Thailand, paano nakarating sa kanila ang gulo sa Philippine Volleyball Federation ? Noong Nov. 26 lang pumutok sa mga pahayagan ang isinagawang panggugulo ng grupo ni Cantada. Matatandaan rin na nuon pa lang Nov. 23 nagsagawa ng pagpupulong at halalan sina Cantada at ilang PVF board members. Pero Nov. 22 nagsumbong na sina Peping at Romasanta sa mga AVC officials sa Thailand. Ano ang isusumbong ni Peping at Romasanta na "leadership dispute" kung hindi pa nagaganap ang pagrerebelde ng grupo ni Cantada ?

Tawag-pansin din na kasama sa larawan si Jonne Go. Si Go ang PCKF president na bumuwag ng dragon boat team matapos itong magreklamo ng anomalya laban sa kanyang pamunuan.

Kung hindi gagawa nang tamang hakbang ang PVF, sa malamang sapitin din ng Philippine volleyball teams ang sinapit ng Philippine Dragon Boat Team. Matindi at mautak ang kalaban ng PVF. Kaya kailangan ang galing at suporta ng mga nagmamahal sa volleyball para manatiling buhay ang PVF at Philippine Bagwis at Amihan.

Sunday, December 21, 2014

ANG PALITAN NAMIN NG TEXT MESSAGES NI BOY CANTADA

Narito ang palitan namin ng text messages ni Boy Cantada nuong ika-18 ng Disyembre. Si Boy Cantada ang pasimuno ng board meeting ng ilang miyembro ng PVF na ngayon ay itinuturong dahilan ng gulo ng POC.

Ako : Willing po ba kayo na makipag-usap kina Sir Karl (Chan) at Coach Otie (Camangian) para maayos na ang di ninyo pagkakaunawaan at matigil na ang pakikialam ng POC sa PVF ?

Cantada : Sino ito ?

Ako : Si Eric po ng Bandera.

Cantada : Wala kang authority para kausapin ako nang ganya. Salamat.

Ako : Eh paano po maaayos ang gulo ?

Cantasa : Bahala ka. Masyado kang adelantado. Napakabago mo pa lang. Wag ako tanungin mo. Sila tanungin mo. Sila gumawa ng gusot na ito. Hindi kami. Sila mag-ayos. Hindi ako. Sila dapat makipag-usap sa akin at hindi ikaw. Hindi ako mahirap kausap basta nasa tama.

Ako : Puede ko po pakiusapan si Tito Buds ( PSC Commissioner Andrada) para mag-mediate.

Cantada : Hindi kailangan pang makialam pa ibang tao. Wag mong pakialaman. Hindi ikaw ang para mag-ayos. Wag kang sunod nang sunod sa kanila. Matalino ako. Alam kong kaya ka nagtext ay dahil para sa kanila.

Ako : Ha ? Hindi po nila alam na nagtext ako sa inyo.

Cantada : Ano pakialam mo ? Hindi na ako magreply.

Ako : Ok po. Merry Christmas po.









Saturday, December 20, 2014

POC, PVF AND THE FIVB LETTER OF ATTESTATION


The above attestation from FIVB clearly shows that PVF with its present leaders are the ones tasked to run Philippine volleyball. The Philippine Olympic Committee does not have any official document to prove that it has been given the authority by FIVB to abolish PVF, create a new volleyball federation and form a new Under23 women's team. POC does not have any legal authority to usurp the powers exclusive to PVF as mandated by FIVB.

That said, it is best for POC to stop meddling in the affairs of PVF. POC will do well to respect the attestation of FIVB or run the risk of the country being suspended by the international federation. It is time for POC and its officials to really think about the dire consequences of their actions.

Friday, December 12, 2014

ANG KASINUNGALINGAN NI ROMASANTA AT PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

courtesy of spin.ph


Nagkalaglagan sa POC 5-man committee. Ayon sa mapapagkatiwalaang source, tumawag si AVC Chairman at FIVB Philippine Representative Tats Suzara kay PVF President Karl Chan at tahasang inamin na walang utos mula sa FIVB at AVC na buwagin ang PVF at Philippine volleyball teams.

Sa ikinumpisal ni Suzara kay Chan, nabuko tuloy na nuknukan ng sinungaling si Romasanta at POC. Na kaya nilang gumawa at pangatawanan ang isang kasinungalingan para sirain ang isang NSA na tulad ng PVF. Na kaya nilang buwagin ang national teams sa pamamagitan ng kasinungalingan. Nalaman tuloy ng sambayanang Pilipino kung gaano kabulok si Romasanta at ang POC.

Sa nangyari, may maniniwala pa kaya kay Romasanta at sa POC ? May magtitiwala pa ba ngayon kay Romasanta at POC ? Marapat lamang magbitiw sa puwesto si Romasanta at lahat ng opisyal ng POC sa nangyari.

Tuesday, December 9, 2014

EXCLUSIVE : POC ANG MAY PAKANA NG GULO SA PVF

Romasanta said the POC’s virtual takeover of local volleyball was the result of a meeting he had with POC president Jose Cojuangco Jr., Suzara, Wei and Wongprasert last Nov. 22 on the sidelines of  the Asian Beach Games in Bangkok, Thailand. - Malaya, Bong Pedralvez, Dec. 5, 2014

Ayon sa ulat ng Malaya, naganap ang meeting nina Peping Cojuangco, Joey Romasanta, Tats Suzara, FIVB at AVC honorary President Wei at AVC Vice President  Wongprasert noong Nov.22, 2014. Samakatuwid, para sa POC, may matinding gulo nang nangyayari sa PVF ng mga panahon na yun. At itong matinding gulo sa liderato ang dahilan ng meeting sa Asian Beach Games sa Thailand.

Subalit ayon sa isang dumalo sa meeting na ipinatawag ni Boy Cantada, naganap ang kanilang board meeting kung saan nahalal si Cantada bilang chairman of the board nuon din lang Nov.23, 2014. Tandang-tanda raw ng board member na ito ang petsa dahil may laban daw si Pacquiao nung araw ng meeting nila.

Kung ganun, nauna ang meeting nina Cojuangco, Romasanta at Suzara sa mga FIVB at AVC officials sa meeting nina Cantada at lima pang board members ng PVF !

Paano ngayon maipapaliwanag na nauna ang POC magreklamo ? Ano ang isusumbong na gulo ng POC kung hindi pa nagmi-meeting sina Cantada et al ? Anong matinding leadership conflict ang isusumbong nina Cojuangco et al sa FIVB at AVC kung magsasagawa pa lang ng meeting sina Cantada ?

Isa lang ang ibig sabihin nito. Pakana ng POC ang lahat. 

Tapos ang kwento.

Saturday, December 6, 2014

MABUHAY KA, GRETCHEN HO

courtesy of cornerstonetalents.net


Bumuo ng isang 5-man committee ang Philippine Olympic Committee matapos na magkagulo daw sa liderato ng Philippine Volleyball Federation. Ang 5-man committee ay kinabibilangan nina Joey Romasanta, Ricky Palou, Atty Malinao, Gretchen Ho at Angeli Tabaquero. Subalit tumanggi sina Ho at Tabaquero na maging miyembro ng naturang komite.

Kahanga-hanga ang ipinakitang paninindigan nina Tabaquero at Ho. Malaking sampal sa mukha ng POC ay ginawa nila. Ang buong akala kasi ng POC ay hawak nila ang mga atleta. Hindi nila inasahan na matapang at may panindigan ang dalawang volleyball stars.

Heto pa ang matindi. Ayon sa aking reliable source, inalok si Gretchen Ho ng POC ng posisyon sa Athletes Commision para lang sumali sa 5-man committee. Pero mataray na tinanggihan ng lola mo ang suhol at di nagpasilaw sa alok ng POC.

Sa panahon na ang lahat ay naghahangad ng posisyon, namumukod-tangi si Gretchen Ho. Larawan siya ng atletang nag-iisip at di nagpapadala sa kinang ng salapi o kapangyarihan. Sana lang ay tularan siya ng iba pang mga atleta. Kapag ang mga atleta mismo ang natutong mag-isip at manindigan, uunlad ang sports sa ating bansa.

Mabuhay ka Gretchen Ho. Ikaw na !!!




HAMON SA POC AT 5-MAN COMMITTEE : ILABAS ANG FIVB DIRECTIVE AT WAG ITURING NA TANGA ANG VOLLEYBALL FANS

Sa tingin nina Peping Cojuangco, Joey Romasanta, Tats Suzara, Ricky Palou at Atty Malinao, tanga at bobo ang mga volleyball fans kaya lakas-loob silang gumawa ng hakbang laban sa Philippine Volleyball Federation sa pamumuno nina Karl Chan At Otie Camangian. Pero nagkakamali sila.

Unang-una, sino ang maniniwala na inutusan sila ng FIVB na buwagin ang PVF at magtayo ng bagong volleyball federation ? Nasaan ang kasulatan na mula sa FIVB na naglalaman ng nasabing utos ? Kung walang dokumento, sabi-sabi lang ang lahat.

Pangalawa, saan ka nakakita na hindi man lang dininig ng isang international sports body ang kabilang panig hinggil sa isang isyu na kailangang resolbahin ? Ayon kay Romasanta, nakipag-usap siya kay Wei Jizong at duon din mismo ay pinaniwalaan siya kayat binigyan na siya ng go-signal na buwagin na ang PVF at bumuo na ng bagong volleyball federation. Ibig bang sabihin ni Romasanta ay nakikinig sa sulsol at nagdedesisyon ang FIVB  nang hindi napapakinggang ang lahat ng panig ?

Pangatlo, anong leadership squabble ang binabanggit ng POC na siyang dahilan ng kanilang panghihimasok ? Maging sa grupo ni Boy Cantada, si Karl Chan ang piniling presidente. So, anong leadership squabble ang tinutukoy ng POC ?

Pangapat, alam ng mga volleyball fans na ang normal na proseso sa pagresolba ng ano mang gulo sa isang NSA ay ang pag-usapan ito sa loob mismo ng NSA. Walang karapatang manghimasok ang POC dahil may autonomy ang bawat NSA.

At eto ang pinaka-nakakatawa sa lahat. Lumabas sa mga pahayagan nuong Nov. 26, 2014 ang naganap na elekyon na isinagawa ni Boy Cantada. Nov. 28, 2014 nakatanggap na agad ng sulat ang POC mula sa FIVB na naguutos daw sa POC na gumawa na sila ng 5-man committee. Ano yun, isang araw lang ang pagitan ? Ganun kabilis ang mga pangyayari ?

Tunay na hindi tanga at bobo ang volleyball fans.




Thursday, December 4, 2014

ANG POC, PVF AT 5-MAN COMMITTEE

Nanghimasok na naman ang Philippine Olympic Committee sa gulo ng isang NSA. Ang NSA na pinanghimasukan nang walang kakwenta-kwentang POC ay ang papaganda nang Philippine Volleyball Federation.

Ayon sa promotor ng kaguluhan na si Boy Cantada, sinukuban na ng POC ang PVF. At isang 5-man committee ang binuo ng POC na mamamahala sa pagpapalakad ng Philippine volleyball. Ang committee, ayon kay Cantada ay binubuo nina POC vice-president Joey Romasanta, Tats Suzara, Ricky Palou, Malinao at Gretchen Ho. Subalit isang reliable source ang nagsabi na tumanggi si Ho na maging parte ng committee dahil alam niya na gagamitin lang siya. Ayon sa isa pa ring source, may isang player na babae ang pumalit kay Ho sa committee.

Tulad nang nangyari sa ibang mga NSA's na pinanghimasukan ng POC, tiyak na ang pagkabuwag ng national teams na binuo ng PVF sa ilalim ni Karl Chan at Otie Camangian. Kung kailan maganda na sana ang lahat, sinimulan pang umepal ng mga ambisyosong matatanda.

Subalit may alas ang PVF at national teams. At ito ay ang mga fans. Kapag nagkaisa ang mga volleyball fans ng bansa, tiyak may kalalagyan ang mga epal ng Philippine volleyball. Simulan sanang i-boycott ng mga fans at players ang mga ligang PSL Superliga at Shakeys VLeague. Tignan ko lang kung hindi umiyak nang balde-balde ang mga epal na ito.

Monday, December 1, 2014

PCCL CHAMPION ANG SAN BEDA PERO NASAAN SI COACH JAMIKE JARIN ?

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkampeon ang San Beda sa Philippine Collegiate Champions League matapos nitong talunin ang La Salle  sa isang best-of-three championship series.

Ang palaisipan lang para sa akin ay kung bakit hindi man lang nanuod si Coach Jamike Jarin  ng mga laro ng San Beda sa Ynares Gym. Ayon sa mga mapapagkatiwalaang sources, di nanuod ang incoming San Beda coach sa championship series sa Ynares Gym. Ang presensiya ni Coach Jamike ay dagdag suporta rin sana para sa San Beda. At bilang susunod na coach ng koponan, ano ba naman yung manuod siya para magbigay ng sapat na suporta at pagkilala sa kanyang hahawakan na koponan ?

Sa di pagsipot ni Coach Jamike sa mga laro ng San Beda, di ko maiwasang isipin na wala siyang pakialam sa San Beda hanggang hindi pa siya ang head coach nito.