Ito ang naging pahayag ni Coach Chot Reyes nang mapagdesisyunan ng Olympic Council of Asia na di payagang makapaglaro si Andray Blatche sa Incheon Asian Games.
Subalit ang totoong nakakahiya ay ang mga inasta ng pamunuan ng Gilas Pilipinas at SBP bago pa man magsimula ang Asian Games. Nagbanta ang SBP ng boycott sakaling di payagan si Blatche na makapaglaro. Parang iyakin na bata na nagbanta sa OCA ng boycott ang SBP sakaling di nito makuha ang gusto. Nang mapansing di patitinag ang OCA, kumuha na ng kung sinu-sinong padrino ang SBP. Inutusan nilang makiusap si Baumann ng FIBA, Richie Garcia ng PSC, POC President Peping Cojuangco at Moying Martelino sa OCA para mapaglaro ang kanilang dinidiyos na naturalized player. Nagmistulang talipapa ang Asian Games sa pakikipagtawaran ng FIBA, PSC at POC. Kapansin-pansin na tikom ang bibig ng PSC sa kung paano nila napapayag ang OCA na payagang makapaglaro si Douthit at Alapag para sa Gilas.
Ang mas nakakahiya para sa akin ay ang ginagawang pagtrato ng Gilas Pilipinas kay Marcus Douthit. Matapos itapon na parang basahan sa nakaraang FIBA World Cup, heto at muling kinukuha ni Coach Chot ang serbisyo ng mabait na player. Para bang walang pagpapahalaga si Coach Chot kay Douthit bilang tao at manlalaro. Gagamitin lang ni Coach Chot si Douthit kung wala ng ibang magagamit na naturalized player. Hanggang sa kahuli-hulihan, si Andray Blatche ang gusto ni Coach Chot na maglaro kahit alam na alam niya na di talaga puede.
What a shame.
No comments:
Post a Comment