Monday, December 13, 2010

MAG - INGAT SA AZKALS

Ninais kong isulat ang Azkals sa Bandera sa pamamagitan ng isang panayam. Nagkataon na ang koponan ay nasa Araneta Coliseum nuong ako'y nanunuod nang PBA. Kaya pinuntahan ko ang kinauupuan ng mga Azkals at magalang na kinausap ang kanilang team manager. Masuyo namang ibinigay sa akin ang mobile number ng kanilang PR officer upang itakda ang araw at oras nang interview.
Ipinadala ko ang mga tanong na gagamitin ko sa interview sa email. Nagtaka lang ako kung bakit wala man lang acknowledgement na ipinadala ang PR officer na nagsasabing natanggap na niya ang mga tanong. Sa halip, isang paanyaya ang aking natanggap sa text. Nasa University of Makati daw ang Azkals at kung maaari ay duon na lamang isagawa ang interview. Di ko agad nagustuhan ang text dahil maayos naman akong humingi nang appointment. Ayoko kasi na magmukhang busabos na hahabul - habol sa Azkals para lang sa isang interview. Kung talagang walang oras ang koponan at kinatawan nito, madali namang ipagpaliban ang interview sa ibang araw at oras.
Yun pala, may news coverage ang GMA7 nang nasabing ensayo ng Azkals. Marahil, gusto ng mga Azkals na maipakita na maging sa kanilang ensayo, marami ang nanunuod at nag - aabang na sila ay makausap.
Subalit ang talagang nagpagalit sa akin ay ang balitang dumaan ang Azkals sa tanggapan ng Inquirer. Ang Bandera ay sister company ng Inquirer. Kung may panahon silang bumisita sa Inquirer, di ko maintindihan kung bakit wala silang panahon para sa bente minutong interview. At kung ipinaalam lang nila sa akin na sila ay nasa Inquirer, di sana ay naisagawa ko ang interview sa opisina mismo ng Inquirer.
Sa aking palagay, ayaw talaga ng Azkals na magpa - interview sa isang tulad kong di kilalang sports writer. Mas pinapaboran nila ang mas kilala at malalaking media personality o institution. Para sa akin, karapatan nila ang pumili nang kanilang bibigyan ng interview. Nakalulungkot lang isipin na nagtatangi ang Azkals.
Marahil, kung ako ay isang sikat na sports writer na, makukuha na ng mga Azkals na pagbigyan ang aking hiling na interview. Subalit ngayon pa lang, buo na ang aking loob na di na muli pang hihingi nang panayam sa mga Azkals. Kung wala silang panahon, mas lalo akong walang panahon para sa kanila. Marami pa naman atletang Pinoy ang maari kong kapanayamin.
Para sa akin, ang mga Azkals ay mga asong may rabies na dapat katakutan at iwasan.

4 comments:

  1. kapal ng mukha ng writer na toh!!!

    ReplyDelete
  2. basketbol lng naman yata alam mu e.. sakaling nainterview mu ang azkals anu kaya sasabihin mu? bka gusto i-post ang draft interview na sinasabi mu..

    ReplyDelete
  3. dear anonymous,
    thank you for your comment.
    i know a loiitle bit of football. i am a fan of honda of japan and watched the games of south korea and japan at the last world cup. as for the questions that i intend to ask the azkals, the team has a copy of them. you can ask them how relevant my questions are. i did not mention so much about their world ranking as i know that they are merely ranked 151 in the world.
    keep reading.

    ReplyDelete
  4. For me, it is not a big issue what i saw the problem is "mis-communications" the PR of AZKALS maybe had something responsible regarding the issue but not the whole AZKALS or being a player that you pointed out "AZKALS ay mga asong may rabies na dapat katakutan at iwasan" being a sports writer you should knew the code of ethics...the players itself had nothing to do about their schedules where and when ? So be specific to address your problem about the said issued... Thank you

    ReplyDelete