Romasanta said the POC’s virtual takeover of local volleyball was the result of a meeting he had with POC president Jose Cojuangco Jr., Suzara, Wei and Wongprasert last Nov. 22 on the sidelines of the Asian Beach Games in Bangkok, Thailand. - Malaya, Bong Pedralvez, Dec. 5, 2014
Ayon sa ulat ng Malaya, naganap ang meeting nina Peping Cojuangco, Joey Romasanta, Tats Suzara, FIVB at AVC honorary President Wei at AVC Vice President Wongprasert noong Nov.22, 2014. Samakatuwid, para sa POC, may matinding gulo nang nangyayari sa PVF ng mga panahon na yun. At itong matinding gulo sa liderato ang dahilan ng meeting sa Asian Beach Games sa Thailand.
Subalit ayon sa isang dumalo sa meeting na ipinatawag ni Boy Cantada, naganap ang kanilang board meeting kung saan nahalal si Cantada bilang chairman of the board nuon din lang Nov.23, 2014. Tandang-tanda raw ng board member na ito ang petsa dahil may laban daw si Pacquiao nung araw ng meeting nila.
Kung ganun, nauna ang meeting nina Cojuangco, Romasanta at Suzara sa mga FIVB at AVC officials sa meeting nina Cantada at lima pang board members ng PVF !
Paano ngayon maipapaliwanag na nauna ang POC magreklamo ? Ano ang isusumbong na gulo ng POC kung hindi pa nagmi-meeting sina Cantada et al ? Anong matinding leadership conflict ang isusumbong nina Cojuangco et al sa FIVB at AVC kung magsasagawa pa lang ng meeting sina Cantada ?
Isa lang ang ibig sabihin nito. Pakana ng POC ang lahat.
Tapos ang kwento.
The Gold Medal focuses on the men and women who show excellence in sports and sports management. The Gold Medal likewise honors athletes and sports officials who try to effect change in Philippine sports.
Tuesday, December 9, 2014
Saturday, December 6, 2014
MABUHAY KA, GRETCHEN HO
![]() |
| courtesy of cornerstonetalents.net |
Bumuo ng isang 5-man committee ang Philippine Olympic Committee matapos na magkagulo daw sa liderato ng Philippine Volleyball Federation. Ang 5-man committee ay kinabibilangan nina Joey Romasanta, Ricky Palou, Atty Malinao, Gretchen Ho at Angeli Tabaquero. Subalit tumanggi sina Ho at Tabaquero na maging miyembro ng naturang komite.
Kahanga-hanga ang ipinakitang paninindigan nina Tabaquero at Ho. Malaking sampal sa mukha ng POC ay ginawa nila. Ang buong akala kasi ng POC ay hawak nila ang mga atleta. Hindi nila inasahan na matapang at may panindigan ang dalawang volleyball stars.
Heto pa ang matindi. Ayon sa aking reliable source, inalok si Gretchen Ho ng POC ng posisyon sa Athletes Commision para lang sumali sa 5-man committee. Pero mataray na tinanggihan ng lola mo ang suhol at di nagpasilaw sa alok ng POC.
Sa panahon na ang lahat ay naghahangad ng posisyon, namumukod-tangi si Gretchen Ho. Larawan siya ng atletang nag-iisip at di nagpapadala sa kinang ng salapi o kapangyarihan. Sana lang ay tularan siya ng iba pang mga atleta. Kapag ang mga atleta mismo ang natutong mag-isip at manindigan, uunlad ang sports sa ating bansa.
Mabuhay ka Gretchen Ho. Ikaw na !!!
HAMON SA POC AT 5-MAN COMMITTEE : ILABAS ANG FIVB DIRECTIVE AT WAG ITURING NA TANGA ANG VOLLEYBALL FANS
Sa tingin nina Peping Cojuangco, Joey Romasanta, Tats Suzara, Ricky Palou at Atty Malinao, tanga at bobo ang mga volleyball fans kaya lakas-loob silang gumawa ng hakbang laban sa Philippine Volleyball Federation sa pamumuno nina Karl Chan At Otie Camangian. Pero nagkakamali sila.
Unang-una, sino ang maniniwala na inutusan sila ng FIVB na buwagin ang PVF at magtayo ng bagong volleyball federation ? Nasaan ang kasulatan na mula sa FIVB na naglalaman ng nasabing utos ? Kung walang dokumento, sabi-sabi lang ang lahat.
Pangalawa, saan ka nakakita na hindi man lang dininig ng isang international sports body ang kabilang panig hinggil sa isang isyu na kailangang resolbahin ? Ayon kay Romasanta, nakipag-usap siya kay Wei Jizong at duon din mismo ay pinaniwalaan siya kayat binigyan na siya ng go-signal na buwagin na ang PVF at bumuo na ng bagong volleyball federation. Ibig bang sabihin ni Romasanta ay nakikinig sa sulsol at nagdedesisyon ang FIVB nang hindi napapakinggang ang lahat ng panig ?
Pangatlo, anong leadership squabble ang binabanggit ng POC na siyang dahilan ng kanilang panghihimasok ? Maging sa grupo ni Boy Cantada, si Karl Chan ang piniling presidente. So, anong leadership squabble ang tinutukoy ng POC ?
Pangapat, alam ng mga volleyball fans na ang normal na proseso sa pagresolba ng ano mang gulo sa isang NSA ay ang pag-usapan ito sa loob mismo ng NSA. Walang karapatang manghimasok ang POC dahil may autonomy ang bawat NSA.
At eto ang pinaka-nakakatawa sa lahat. Lumabas sa mga pahayagan nuong Nov. 26, 2014 ang naganap na elekyon na isinagawa ni Boy Cantada. Nov. 28, 2014 nakatanggap na agad ng sulat ang POC mula sa FIVB na naguutos daw sa POC na gumawa na sila ng 5-man committee. Ano yun, isang araw lang ang pagitan ? Ganun kabilis ang mga pangyayari ?
Tunay na hindi tanga at bobo ang volleyball fans.

Thursday, December 4, 2014
ANG POC, PVF AT 5-MAN COMMITTEE
Nanghimasok na naman ang Philippine Olympic Committee sa gulo ng isang NSA. Ang NSA na pinanghimasukan nang walang kakwenta-kwentang POC ay ang papaganda nang Philippine Volleyball Federation.
Ayon sa promotor ng kaguluhan na si Boy Cantada, sinukuban na ng POC ang PVF. At isang 5-man committee ang binuo ng POC na mamamahala sa pagpapalakad ng Philippine volleyball. Ang committee, ayon kay Cantada ay binubuo nina POC vice-president Joey Romasanta, Tats Suzara, Ricky Palou, Malinao at Gretchen Ho. Subalit isang reliable source ang nagsabi na tumanggi si Ho na maging parte ng committee dahil alam niya na gagamitin lang siya. Ayon sa isa pa ring source, may isang player na babae ang pumalit kay Ho sa committee.
Tulad nang nangyari sa ibang mga NSA's na pinanghimasukan ng POC, tiyak na ang pagkabuwag ng national teams na binuo ng PVF sa ilalim ni Karl Chan at Otie Camangian. Kung kailan maganda na sana ang lahat, sinimulan pang umepal ng mga ambisyosong matatanda.
Subalit may alas ang PVF at national teams. At ito ay ang mga fans. Kapag nagkaisa ang mga volleyball fans ng bansa, tiyak may kalalagyan ang mga epal ng Philippine volleyball. Simulan sanang i-boycott ng mga fans at players ang mga ligang PSL Superliga at Shakeys VLeague. Tignan ko lang kung hindi umiyak nang balde-balde ang mga epal na ito.

Monday, December 1, 2014
PCCL CHAMPION ANG SAN BEDA PERO NASAAN SI COACH JAMIKE JARIN ?
Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkampeon ang San Beda sa Philippine Collegiate Champions League matapos nitong talunin ang La Salle sa isang best-of-three championship series.
Ang palaisipan lang para sa akin ay kung bakit hindi man lang nanuod si Coach Jamike Jarin ng mga laro ng San Beda sa Ynares Gym. Ayon sa mga mapapagkatiwalaang sources, di nanuod ang incoming San Beda coach sa championship series sa Ynares Gym. Ang presensiya ni Coach Jamike ay dagdag suporta rin sana para sa San Beda. At bilang susunod na coach ng koponan, ano ba naman yung manuod siya para magbigay ng sapat na suporta at pagkilala sa kanyang hahawakan na koponan ?
Sa di pagsipot ni Coach Jamike sa mga laro ng San Beda, di ko maiwasang isipin na wala siyang pakialam sa San Beda hanggang hindi pa siya ang head coach nito.

Sunday, November 30, 2014
COACH BRIAN ESQUIVEL : FROM LETRAN TO MERALCO POWER SPIKERS
Si Coach Brian Esquivel ang head coach ng volleyball teams ng Letran. Labing-isang taon ng head coach ng Letran ang dating NCAA star. Sa unang pagkakataon, naitalaga si Coach Brian bilang head coach ng isang koponan sa commercial league. Bukod sa Letran, hawak niya ngayon ang Meralco Power Spikers. Sa isang panayam kay Bandera Correspondent Eric Dimzon, inilarawan ni Coach Brian ang pamumuno sa dalawang magkaibang koponan.
1. Paano ka nagsimula sa pagco-coach ?
Nag-start ako after graduating. Tinulungan ako ng Coach Nes (Pamilar). Tinanong niya ako kung gusto ko siya tulungan as trainer sa Letran. Ang naisip ko nuon suklian ang lahat ng naitulong sa akin ng Letran. Athletic scholar kasi ako dati sa Letran. Nag-champion kami from 1998 to 2000 sa NCAA. I was the team captain then of Letran. So, gusto ko talagang sulian ang kabutihan sa akin ng Letran by being the trainer and eventually the coach of Letran's volleyball teams.
2. Ano ang pagkakaiba sa pagco-coach sa Letran at Meralco ?
Napakalaki ng difference. Sa collegiate, developmental kasi. You have to train collegiate players for them to improve and reach their full potential. Sa commercial, set na yung skills ng players at teamwork na lang ang kailangang ayusin.
3. Mahirap ba na maraming star players sa team ng Meralco ?
Actually, may pressure nga eh. Syempre, sa case ng Meralco, nage-expect ang big bosses ng panalo. Pero sabi ko nga, hindi ganun kadali manalo agad-agad. Kahit na meron kaming Penetrante, Marano, Mercado at Morada, iba pa rin yung matagal nang magkakasama. Nabuo lang kami a month before the start of Shakeys VLeague. Ang mga kalaban namin, matagal nang magkakasama. Kaya sabi ko nga na hindi agad-agad yung panalo. Pero ipinangako ko na magi-improve yung team in every game.
4. Ano naman ang tsansa ng Letran sa NCAA ?
This year, malaki ang chance namin. Yung height ng teams namin, hindi nalalayo sa height ng mga kalaban. Yung skills naman ng players, constantly improving naman. Konting plantsa na lang. Ang maganda, lalaban nang pukpukan ang Letran.
5. Ano ang susunod para sa Meralco Power Spikers pagkatapos ng Shakeys VLeague ?
Naghahanda kami for invitationals. Magkakaroon rin kami ng clinics under the Meralco foundation. Pagkatapos ng clinics, Shakeys Reinforced conference na.
6. Ano ang hinahanap mo sa isang volleyball player ?
Malaking advantage talaga ang height nung player. Dati, hindi gaano pinahahalagahan ang height. Pero ngayon, palakihan na ang labanan. Then yung skills. At syempre yung disiplina.
7. Ano ang masasabi mo sa bagong buong national volleyball teams ng Pilipinas ?
I consider them powerhouse teams. Nandun na ang lahat ng star players. Maganda rin ang program ng PLDT for the national teams. Todo ang suporta ng PLDT sa Pilipinas Bagwis at Amihan. Hindi lang isang taon ang suporta kundi long-term. Maging ang PSC at POC umayon sa programa ng PLDT para sa national volleyball teams.
8. Kaya ba ng Pilipinas na manalo uli sa international tournaments sa volleyball ?
Kayang-kaya natin ibalik ang glory days ng Pilipinas sa volleyball. Mga 4 years na continuous ang training na may exposure abroad, sigurado gagaling ang national teams. At yung height natin, hindi na malayo sa height ng mga kalaban. At sa tulong ng PLDT, kayang-kaya nating manalo.
9. Ano ang maipapayo mo sa mga nangangarap na maging volleyball stars ?
Kailangan continuous ang training nila. Maghanap sila ng coach na gagabay sa kanila. Maraming players ang nadidismaya pag hindi sila nakuha sa tryouts. Sana huwag silang panghinaan ng loob at magpatuloy lang sila sa paglalaro.
Saturday, November 29, 2014
BAKIT SINA TAB BALDWIN AT JONG UICHICO ANG PINAGPIPILIANG NEW GILAS ELITE HEAD COACH ?
Kung paniniwalaan ang mga reports, si Tab Baldwin o Jong Uichico ang magiging bagong head coach ng Gilas Elite.
Dahil pinili ng search committee na ikubli sa publiko ang mga batayan sa pagpili ng bagong Gilas head coach, hindi ko maiwasang magtanong kung bakit ang dalawang nabanggit ang pinagpipilian. Una, bagamat maganda ang record ni Baldwin sa FIBA tournaments, apat na bansa na ang umayaw na sa kanya.Ang mga ito ay New Zealand, Jordan, Lebanon at Malaysia. Ano ang dahilan at binitawan siya ng mga bansang nabanggit ? Pangalawa, paano naungusan ni Jong Uichico sina Coach Tim Cone, Norman Black, Yeng Guiao at Robert Jaworski bilang kandidato sa pagka-head coach ng Gilas Elite ?
Ayaw ko isipin na ang dating Gilas head coach na si Chot Reyes ang dahilan kung bakit si Baldwin at Uichico ang bumabandera sa search committee. Matatandaan na consultant ni Coach Chot si Baldwin samantalang assistant coach naman niya si Coach Jong sa Gilas Pilipinas. Na sa kabila ng pagkakatanggal sa kanya, si Coach Chot Reyes pa rin ang nagpapatakbo ng Gilas team.
Tulad ng sinabi ko sa nakaraang post, kailangan na ang mapipiling bagong head coach ng Gilas ay may tunay na angking galing at kapani-paniwala sa mata ng sambayang Pilipino. Na ang desisyon sa pagkakapili ay batay sa galing at hindi sa lakas ng padrino. Sana, mag-isip-isip ang SBP at si MVP sa pagpili nila ng bagong head coach ng pambansang koponan.

Subscribe to:
Posts (Atom)