Saturday, November 29, 2014

BAKIT SINA TAB BALDWIN AT JONG UICHICO ANG PINAGPIPILIANG NEW GILAS ELITE HEAD COACH ?

Kung paniniwalaan ang mga reports, si Tab Baldwin o Jong Uichico ang magiging bagong head coach ng Gilas Elite.

Dahil pinili ng search committee na ikubli sa publiko ang mga batayan sa pagpili ng bagong Gilas head coach, hindi ko maiwasang magtanong kung bakit ang dalawang nabanggit ang pinagpipilian. Una, bagamat maganda ang record ni Baldwin sa FIBA tournaments, apat na bansa na ang umayaw na sa kanya.Ang mga ito ay New Zealand, Jordan, Lebanon at Malaysia. Ano ang dahilan at binitawan siya ng mga bansang nabanggit ? Pangalawa, paano naungusan ni Jong Uichico sina Coach Tim Cone, Norman Black, Yeng Guiao at Robert Jaworski bilang kandidato sa pagka-head coach ng Gilas Elite ?

Ayaw ko isipin na ang dating Gilas head coach na si Chot Reyes ang dahilan  kung bakit si Baldwin at Uichico ang bumabandera sa search committee. Matatandaan na consultant ni Coach Chot si Baldwin samantalang assistant coach naman niya si Coach Jong sa Gilas Pilipinas. Na sa kabila ng pagkakatanggal sa kanya, si Coach Chot Reyes pa rin ang nagpapatakbo ng Gilas team.

Tulad ng sinabi ko sa nakaraang post, kailangan na ang mapipiling bagong head coach ng Gilas ay may tunay na angking galing at kapani-paniwala sa mata ng sambayang Pilipino. Na ang desisyon sa pagkakapili ay batay sa galing at hindi sa lakas ng padrino. Sana, mag-isip-isip ang SBP at si MVP sa pagpili nila ng bagong head coach ng pambansang koponan.


No comments:

Post a Comment