Seryoso
ang bagong Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Butch Ramirez
na pagandahin ang Philippine sports.
Sa pulong na ginanap
sa pagitan nina Chairman Ramirez, PDBF President Marcia Cristobal, BAP Region
4A-B Chairman Ding Andres, dragon boat breakway group spokesperson Noelle
Wenceslao, Mindanao sports representative Dr. Arnel Hajan, kani-kanilang atleta
at iba pang opisyal, tahasang sinabi ng bagong PSC chairman na magbibigay ng
tulong ang PSC maging sa mga atleta at samahan na di kinikilala ng Philippine
Olympic Committee (POC). Kabilang sa ibibigay na tulong ay ang travel
tax-exemption at di pagsingil ng terminal fee sa mga atletang lalahok sa mga
torneo sa labas ng bansa. Bibigyan din ng kalayaan ang lahat ng mga atleta na
magamit ang mga pasilidad ng PSC.
Bukos pa sa mga
nabanggit na suporta, maaari ding magsumite ang mga naagrabyadong atleta
at dating National Sports Associations (NSA's) ng kanilang mga reklamo at
hinaing sa isang departamento sa PSC na hahawak sa lahat ng mga reklamo hinggil
sa katiwalian at pang-aabuso sa palakasan, Hinikayat ni Chairman Ramirez na
maghain ng formal complain ang mga naagrabyadong NSA's at atleta upang
maaksyunan ang kanilang mga reklamo. Sa sandaling mapatunayang totoo ang mga
reklamo laban sa mga kinikilala ng POC na mga NSA's at atleta, maaaring putulin
ng PSC ang suporta sa mga tiwaling NSA's at atleta. Nangako si Chairman Ramirez
na kikilos ang PSC laban sa katiwalian at pang-aabuso sa Philippine sports.
No comments:
Post a Comment