courtesy of spin.ph |
Magiging mahirap para sa administrasyong Duterte na makakuha nang matinong mamumuno sa PSC kung paiiralin nito ang popularidad sa pagpili ng bagong PSC chairman. Kung isasantabi ng search committee ang credentials ng mga kandidato at susundin lamang ang palakasan system, sa malamang walang mababago sa pagpapatakbo ng Philippine sports. At habang nananatiling co-terminus sa pangulo ang posisyon ng PSC chairman at commissioners, magdadalawang-isip ang mga career people na tanggapin ang mga alok dahil walang security of tenure. Bukod pa dito, sadyang maraming batikos ang matatanggap ng sino mang mailuluklok sa PSC. Maliban na lamang siguro kung sadyang magaling at walang bahid ng korapsyon ang uupo bilang PSC chairman at commissioners, marami at marami talagang masasabi sa sino mang mapipili.
Ganun pa man, tiyak ako na may ilan pa ring sports leaders ang may karapatang ipuwesto sa PSC. Kung mamimili lamang nang mabuti ang mga tauhan ni President Duterte, may mahahanap silang kayang tumugon sa mga suliranin ng Philippine sports. Kung papahalagahan ang credentials at track record ng mga kandidato sa pagpili ng PSC commioners at chairman at hindi ang palakasan system ang mananaig, tiyak na maisasaayos ang pagpapalakad sa Philippine sports sa ilalim ni President Duterte.
No comments:
Post a Comment