courtesy of spin.ph |
courtesy of spin.ph |
Si Butch Ramirez ay naging PSC chairman nuong 2005-2009. Nagsimula siya sa PSC bilang regional representative noong 1998. Naging PSC commissioner siya noong 2000 bago siya naging chairman sa ilalim ng administrasyon ni Presidente Gloria Arroyo. Sampung taon na nanilbihan si Ramirez sa PSC bago siya nag-resign noong 2009. Puno ng kontrobersiya ang termino ni Ramirez bilang PSC chairman noong 2005-2009. Sa katunayan, apat na kaso ng katiwalian ang isinampa laban kay Ramirez sa Ombudsman. Gayun pa man, naipatayo naman niya ang Philippine Sports Institute nang siya pa ang PSC chairman. At napawalang-sala siya sa isang kaso kamakailan lamang.
Ang lubhang nakalulungkot ay kaalyado ni Peping Cojuangco si Ramirez. Noong 2010, itinalaga ni Peping Cojuangco si Ramirez bilang POC Regional Director for Mindanao. Bukod pa rito, naging malapit na magkaibigan ang dalawa nang ganapin ang SEA Games sa Pilipinas noong 2005. Naging over-all champion ang Pilipinas sa SEA Games nang ganapin ito sa bansa. Maituturing na may pinagsamahan na talaga ang dalawa kaya malamang na mananatiling walang sagabal o puna sa mga plano ni POC President Peping Cojuangco na magmumula sa PSC sa ilalim ni Ramirez.
Tuloy ang ligaya ni Cojuangco. Pero tuloy ang pighati ng mga pambansang atleta at coaches.