Sunday, May 8, 2016

ONE-ON-ONE WITH VOLLEYBALL QUEEN GRACE ANTIGUA



Bago pa si Alyssa Valdez, nariyan na si Grace Rosario Antigua.  Si Antigua ang itinuturing na pinakamahusay na babaeng balibolista nung dekada 80. Ilang gintong medalya ang napanalunan niya mula sa iba't-ibang torneo sa loob at labas ng bansa kabilang na ang Southeast Asian Games (SEAG).

Nakapanayam sa Boracay ni Bandera Correspondent Eric Dimzon ang ngayon ay University of San Jose Recoletos volleyball head coach na si Grace Antigua. Narito ang pahayag ng dating volleyball queen ng Pilipinas.

1. Paano ka nagsimula sa volleyball ?
When I was in high school, I joined a club team. Nung una, di ko alam kung paano maglaro. Alam ko lang mag-serve at manuod sa mga marurunong maglaro. Then in college, I went to Southwestern University (SWU). Dun na ako natuto.

2. Paano ka naman naging national player ?
Sa SWU, kinukuha na kami ng GSIS team. We had a local team in Cebu na pinapadala sa Manila. Dun na nag-umpisa. During our time, maraming magagaling sa batch namin. Kaya kami yung kinuha sa national team.

3. Anu-ano ang mga tournaments na sinalihan mo ?
Before, sumasali ang SWU sa UAAP. We represented southwestern Cebu in the UAAP. Sa international, sumali kami sa 1981, 1983, 1985, 1987 at 1989 SEAG. I also joined the Asian Games twice. Once for indoor and once for beach volleyball. We won gold sa 1981 SEAG, silver sa ' 83, gold in ' 85, gold again in ' 87 and bronze in ' 89. Sa Asian Games, we gained so much experience and a lot of friends. We even played against the Olympic champions at that time.

4. Anu-ano ang tinatanggap mong benepisyo bilang atleta nung mga panahon na yun?
We were given Php 3,000.00 as monthly allowance during that time. We also had sponsors. We were able to compete in Princess Cup in Thailand because of our sponsors.

5. Ano ang pagkakaiba ng volleyball noon at ngayon ?
Grabe na ang kasikatan ng volleyball ngayon. Yung situation ngayon ng volleyball is what we dreamed of before. I am very happy na sikat na ngayon ang volleyball.

6. May gulo ngayon sa pagitan ng mga leaders ng volleyball ngayon. Ano ang masasabi mo tungkol dito ?
I too have experienced that before. Nung time namin, may gulo din. Maswerte nga sila ngayon na may willing mag-sponsor ng national teams. Kaya lang, may pumapasok. Sana, magkaisa na ang lahat. Para iisa ang goal at vision. Para maibalik yung times na lagi tayong gold sa SEAG.

7. Ano sa tingin mo ang kailangan para maibalik ang golden moments ng Pilipinas sa volleyball ?
Marami na tayong materyales ngayon. Meron na tayong mga Santiago ngayon. During our time, may 6'2" tayo pero mabagal. Now, mabibilis na. Si Alyssa, puedeng-puede. The officials must get their acts together so we can bring back our golden moments in volleyball.

8. Ano ang maipapayo mo sa mga sikat na volleyball players ngayon na iniidolo nang marami ?
Keep your two feet on the ground. Yun lang. And everything else will follow.

9. Ano naman ang maipapayo mo sa mga bata na nangangarap na maging magaling na national player na tulad mo ?

Keep on joining tournaments. Try to improve your game. Look up to your idols and try to emulate them. Wag kakalimutan ang magandang-asal. And the rest will follow.

No comments:

Post a Comment