Bago pa si Alyssa
Valdez, nariyan na si Grace Rosario Antigua. Si Antigua ang itinuturing
na pinakamahusay na babaeng balibolista nung dekada 80. Ilang gintong medalya
ang napanalunan niya mula sa iba't-ibang torneo sa loob at labas ng bansa
kabilang na ang Southeast Asian Games (SEAG).
Nakapanayam sa Boracay
ni Bandera Correspondent Eric Dimzon ang ngayon ay University of San Jose
Recoletos volleyball head coach na si Grace Antigua. Narito ang pahayag ng
dating volleyball queen ng Pilipinas.
1. Paano ka nagsimula
sa volleyball ?
When I was in high
school, I joined a club team. Nung una, di ko alam kung paano maglaro. Alam ko
lang mag-serve at manuod sa mga marurunong maglaro. Then in college, I went to
Southwestern University (SWU). Dun na ako natuto.
2. Paano ka naman
naging national player ?
Sa SWU, kinukuha na
kami ng GSIS team. We had a local team in Cebu na pinapadala sa Manila. Dun na
nag-umpisa. During our time, maraming magagaling sa batch namin. Kaya kami yung
kinuha sa national team.
3. Anu-ano ang mga
tournaments na sinalihan mo ?
Before, sumasali ang
SWU sa UAAP. We represented southwestern Cebu in the UAAP. Sa international,
sumali kami sa 1981, 1983, 1985, 1987 at 1989 SEAG. I also joined the Asian
Games twice. Once for indoor and once for beach volleyball. We won gold sa 1981
SEAG, silver sa ' 83, gold in ' 85, gold again in ' 87 and bronze in ' 89. Sa
Asian Games, we gained so much experience and a lot of friends. We even played
against the Olympic champions at that time.
4. Anu-ano ang
tinatanggap mong benepisyo bilang atleta nung mga panahon na yun?
We were given Php
3,000.00 as monthly allowance during that time. We also had sponsors. We were
able to compete in Princess Cup in Thailand because of our sponsors.
5. Ano ang pagkakaiba
ng volleyball noon at ngayon ?
Grabe na ang kasikatan
ng volleyball ngayon. Yung situation ngayon ng volleyball is what we dreamed of
before. I am very happy na sikat na ngayon ang volleyball.
6. May gulo ngayon sa
pagitan ng mga leaders ng volleyball ngayon. Ano ang masasabi mo tungkol dito ?
I too have experienced
that before. Nung time namin, may gulo din. Maswerte nga sila ngayon na may
willing mag-sponsor ng national teams. Kaya lang, may pumapasok. Sana, magkaisa
na ang lahat. Para iisa ang goal at vision. Para maibalik yung times na lagi
tayong gold sa SEAG.
7. Ano sa tingin mo
ang kailangan para maibalik ang golden moments ng Pilipinas sa volleyball ?
Marami na tayong
materyales ngayon. Meron na tayong mga Santiago ngayon. During our time, may
6'2" tayo pero mabagal. Now, mabibilis na. Si Alyssa, puedeng-puede. The
officials must get their acts together so we can bring back our golden moments
in volleyball.
8. Ano ang maipapayo
mo sa mga sikat na volleyball players ngayon na iniidolo nang marami ?
Keep your two feet on
the ground. Yun lang. And everything else will follow.
9. Ano naman ang
maipapayo mo sa mga bata na nangangarap na maging magaling na national player
na tulad mo ?
Keep on joining
tournaments. Try to improve your game. Look up to your idols and try to emulate
them. Wag kakalimutan ang magandang-asal. And the rest will follow.