courtesy of studyofsports.com |
Sa kasagsagan ng gulo sa pagitan ng POC/LVPI at PVF, sandamukal na mga sports writers ang todo sa pagtatanggol sa POC/LVPI. Mabibilang sa daliri sa isang kamay ang mga sports writers na pumanig at sumulat para sa PVF.
Ngayong lantad na ang bulok na sistema ng LVPI at kawalan nito ng programa sa volleyball, nasaan na ang mga sports writers na panay papuri noon sa LVPI at mga opisyal nito ?
Nakakalungkot isipin na naging bahagi sa pang-aapi at pagtatakip sa katotohanan ang karamihan sa mga sports writers. Imbes na gamitin nila ang kanilang panulat bilang liwanag sa gitna ng kadiliman, pinili ng karamihan ang pabanguhin ang maling gawain ng LVPI. Di ko lubos maisip na marami pala sa hanay ng mga sports writers ang wala na matinong pag-iisip at hubad sa matapang na paninindigan at makatwirang pananaw sa buhay.
Marahil, nasilaw sila sa perang ipinamamahagi sa kanila para gawing tama ang mali. Subalit sino ang masisikmura na ipakain sa kanyang pamilya ang galing sa maling gawain ?
Kaya naman, tama lang na wala akong kaibigan na sports writer bukod sa aking editor. Walang kwentang mga tao ang karamihan sa mga sports writers sa Pilipinas.
No comments:
Post a Comment