Saturday, August 22, 2015

IBALIK ANG PDBF BILANG NSA SA DRAGON BOAT

from Philippine Dragon Boat timeline

Muli na naman mag-uuwi ng karangalan ang PDBF Teams matapos manalo ng apat na gintong medalya sa ginaganap na IDBF 12th World Nations Championships sa Canada.

Matapos bawian ng pagkilala ng POC at PSC, patuloy sa pag-ani ng tagumpay ang mga koponang pinamamahalaan ng PDBF. Taong 2011 nang ideklara ng POC at PSC na di na lehitimong national federation ang PDBF dahil sa isang direktiba na inilabas diumano ng International Olympic Committee (IOC). Nawala ang PDBF bilang isang national federation dahil sa nasabing direktiba.

Matapos ang apat na taon, tahasan kong sasabihin na walang direktibang inilabas ang IOC. Nagsinungaling ang POC at PSC.

Hawak ko ang pahayag ng presidente ng IDBF na walang ganung direktiba. Hawak ko rin ang salaysay ng US Dragon Boat Head Coach Bob McNamara na nagsasabi na wala ngang direktiba. At higit sa lahat, hawak ko ang patotoo ng IOC na wala ngang direktiba inilalabas ang IOC na naglalagay sa dragon boat sa ilalim ng ICF.

Kaya marapat lang na ibalik ng POC at PSC ang pagkilala sa PDBF bilang NSA sa dragon boat. Mahiya naman sana ang POC at PSC sa pagkakait ng pagkilala sa natatanging pandaigdigang kampeon na koponan ng Pilipinas at sa national federation na nangangalaga nito.

No comments:

Post a Comment