Tuesday, May 26, 2015

ISANG PANAWAGAN SA PAGKILOS

Saksi tayo sa walang katarungang pagpapatalsik ng POC at LVPI sa PVF sa FIVB. Sa kabila nang magandang programang inilatag ng PVF para sa volleyball na sinusuportahan ng dalawa sa pinakamalaking kumpanya sa bansa, nakuha pa rin ng POC at LVPI na makialam at maghasik ng lagim.

Walang pakundangan na ginamit ng POC at LVPI ang kanilang mga kakilala sa FIVB upang mapatalsik pansamantala ang PVF. Sa kabila ng di pagtupad sa mga kasunduan, binigyan pa rin ng FIVB ng provisional recognition ang LVPI.

Maging sa korte ng Pilipinas, pilit na pinababagal ng LVPI at POC ang paggulong ng hustisya. Dalawang beses na silang humingi ng pagpapaliban at patuloy pa ring hihingi ng paliban sa susunod pang mga pagdinig.

Sa gitna ng kawalan ng katarungan, marapat lang na kumilos na ang mga tunay na nagmamahal sa volleyball. Panahon na para kumilos ang mga mamamayan para itama ang mali. Panahon na para magsagawa ng signature campaign upang ipaalam sa POC, LVPI at maging FIVB kung sino ang totoong kinikilalang tagapangasiwa ng volleyball sa Pilipinas. Panahon na para manindigan ang mga Pilipino upang makamtan ang katarungang pilit na ipinagkakait.

" Kung hindi tayo kikilos, sino pa ang kikilos ? Kung hindi ngayon, kailan pa ? "

No comments:

Post a Comment