Tuesday, March 17, 2015

FULL FIVB RECOGNITION NG LVPI : WALEY

Hanggang ngayon, wala pa ring mapakitang full FIVB recognition ang Larong Volleyball sa Pilipinas Incorporated (LVPI). Sa kabila ng mga pahayag nito na paparating na ang kanyang full FIVB recognition, nananatiling puro salita lamang na di mapapanghawakan ang mga pahayag ng LVPI.

Sa totoo lang, hinding-hindi maglalabas ng full recognition ang FIVB sa LVPI dahil ito ay isang matinding ebidensiya na maaaring gamitin ng Philippine Volleyball Federation (PVF) laban sa FIVB mismo. Ang pagpapalabas ng FIVB ng recognition sa LVPI ay malinaw na indikasyon sa anomalyang nagaganap. Maging si Ary Graca ay di maaaring maglabas ng full recognition para sa LVPI.  Tanging ang FIVB Congress lamang ang may kapangyarihan na maglabas ng recognition. At ang FIVB Congress ay magpupulong sa 2016 pa. Nangangahulugan na walang recognition  na maipapalabas ang FIVB hanggang 2016.

Kaya kumain man ng blade o tumulay sa alambre sa harap ng FIVB sina Tats Suzara, Joey Romasanta, Peping Cojuangco, Ricky Palou at Tony Liao, wala silang maaasahang full FIVB recognition. Takot lang ng pamunuan ng FIVB na madawit sa isa pang kontrobersiya. At takot lang ng FIVB na may mga kumamping bansa sa PVF.

No comments:

Post a Comment