Sunday, January 19, 2014

ANO ANG IKINATATAKOT NG PHILIPPINE CANOE KAYAK FEDERATION ?

Hanggang ngayon, hindi makuhang isumite ng PCKF ang mga pangalan ng bagong halal nitong mga opisyal. Nuong Disyembre pa naganap ang halalan subalit hanggang ngayon, hindi ba natatanggap ng NSA Affairs ang listahan ng bagong opisyal ng PCKF.

Hanggang ngayon, hindi rin makuhang isumite ng PCKF ang mga miyembro ng bagong Philippine Dragon Boat Team. Matapos magsagawa ng try-out nuong isang taon pa, hindi pa rin naisusumite ng pamunuan ng PCKF ang mga pangalan ng bagong buong dragon boat team. Bunsod nito, hindi nakatatanggap ng allowances ang mga bagong miyembro ng Philippine Dragon Boat Team.

Hanggang ngayon, di pa rin nagpapaunlak ng panayam sa akin ang pamunuan ng PCKF. Nananatiling blocked ang aking numbero kay PCKF President Jonne Go. Pinangangatawanan naman ni PCKF Coach Len Escollante na pinagbawalan daw siya ng Philippine Navy na magsalita sa media sa kabila ng pagpayag mismo ng Philippine Navy Media Affairs na makapanayam ko siya.

Hanggang kailan kaya iiwas ang pamunuan ng PCKF sa pagsagot nang tuwiran sa mga batikos na pinupukol sa kanila ? Hanggang kailan kaya sila magtatago sa likod ng kanilang mga padrino ? Sa aking palagay, di na rin magtatagal ang pagkukubli ng PCKF. Nalalapit na ang araw ng pagtutuos sa pagitan ng PCKF at mga inagrabyado nito.


No comments:

Post a Comment