Sunday, November 24, 2013

PCKF HEAD COACH LEN ESCOLLANTE UMATRAS SA EMAIL INTERVIEW

Katatanggap ko lang ng text mula kay Coach Len Escollante. Ayon sa text, hindi niya masasagot ang mga pinadala kong mga katanungan hinggil sa gulo sa pagitan ng PCKF at Philippine national dragon boat team. Pinagsabihan daw siya ng kanyang command na huwag magbigay ng pahayag sa media.

Nagtataka lamang ako na bigla ang pag atras niya para sa isang email interview. Siya itong sabik na sabik na makaharap ako. At maging ang isang Navy officer ay pumayag na makausap ko siya. Nagsumite ako ng isang letter of intent  sa Public Affairs Office para makakuha ng clearance bago ako magsagawa ng pagtatanong.

Narito ang mga ibinigay kong tanong kay Coach Escollante para sa email interview :

1. Sinasabi ng PCKF na pambabastos ang dahilan ng pagkakatanggal ng buong dragon boat team. Saan, kailan at paano ka binastos ng mga atleta at coaches ng dragon boat team ?
2. Sinasabi naman ng mga atleta at coaches ng dragon boat team, tinanggal sila dahil inungkat nila ang nawawala o bawas nilang allowances at incentives. Totoo ba ito ?
3. Bakit ikaw o ang PCKF ang kumukuha ng mga allowances ng mga atleta at coaches ng dragon boat team ? Bakit kailangang dumaan sa kamay ninyo ang perang nakalaan sa mga atleta at coaches ng team ?
4. Handa ka bang ipakita ang liquidation ng lahat ng biyahe ninyo at ng dragon boat team sa publiko ?
5. Paano na-liquidate ang hiningi ng PCKF na Php376,766.00 "to cover for airfare deficit" gayung inamin mismo ng PCKF na wala itong inabono sa pamasahe sa World Championship sa Italy ayon sa Board Resolution no. 234(B)-2013 ?
6. Totoo ba na nasuspindi ka na ng PSC nuong 2007 dahil sa unliquidated funds at reklamo ng mga canoe-kayak athletes ?
7. Sinasabi ng dragon boat team na bumili kayo ni Jonne Go sa Italy ng sampung Prada at Louis Vuitton bags. Totoo ba ito ?
8. Totoo ba na hindi nakuha ng PCKF ang libreng hotel accommodations sa isang 5-star hotel dahil nagdesisyon itong wag dalhin ang pangalan ng bansa sa DBS Marina Regatta sa Singapore ? At napilitang ipasa ng PCKF ang gastos sa PSC sa hotel accommodations sa isang dormiitory-type inn na nagkakahalaga ng Php148,200.00 ?
9. Nagsagawa na ba ang PCKF ng try-outs para makabuo ng bagong dragon boat team ?
10. Balak ni Sen. Pia Cayetano na "zero budget" ang PSC sa 2014 dahil sa gulo sa pagitan ng PCKF at dragon boat team. Ano ang masasabi mo tungkol dito ?
11. Paano sa tingin mo maaayos ang gusot sa pagitan ng PCKF at Philippine Dragon Boat Team ?

Sayang at mananatiling walang kasagutan ang aking mga tanong dahil pinili ni Coach Len na manahimik sa gitna ng gulo.

No comments:

Post a Comment