Sunday, October 10, 2010

THE UNEDITED INTERVIEW ON BITOY OMOLON


After playing for Sta Lucia Realty for 6 years, Bitoy Omolon finds a new home with Meralco. In his first outing with his new team, Omolon registered a double-double to underscore his great adjustment to his new home. Below are Bitoy's thoughts on Meralco.

1. Kamusta po kayo sa bago ninyong team ?
Ok po ako sa bago kong team. Parang nagsisimula rin po sa career. Nalungkot man po ako sa pagkawala ng Sta Lucia, sumaya rin naman po dahil nabigyan pa rin nang pagkakataong makapaglaro sa isang magandang team.

2. Kamusta po si Coach Ryan as a coach ?
Noong nakakalaban namin ang team ni Coach Ryan, nakikita ko pong sumisigaw siya sa mga referees at kalaban. Kaya nuong una, natakot po ako sa kanya. Pero nalaman ko po na si Coach Ryan ang tipong coach na ipaglalaban ka. Naniniwala siya sa mga players niya kaya talagang ipinaglalaban niya. Highly competitive at emotional si coach. Kahit sa drills namin, gusto niya maximum effort and ibinibigay namin. Si coach rin ang pinaka-optimistic sa team. He motivates his players well kaya nagiging maganda ang laro ng mga players niya.

3. Acknowledged go-to-guy ng Meralco team si Macmac Cardona. Okay lang po ba sa inyo ang ganitong set-up ?
From the start, sinabi na ni coach na si Macmac talaga ang go-to-guy ng team. Siya ang tatayong franchise player ng Meralco team. Kaya tinanggap ko nang maluwag sa dibdib ang role ko na sumuporta kay Macmac at sa buong team.

4. Sa unang laro ng Meralco Bolts, you registered a double-double. Kayo pa nga po ang highest scorer for the game. Hindi po ba kayo nagtampo na si Cardona pa rin ang tinanghal na Best Player of the game ?
Sa sobrang saya ng team sa pagkapanalo, hindi ko na inisip yun. Wala akong tampo o hinanakit. Besides, yung last shot ni Macmac ang nagpanalo sa amin. Deserving siyang manalo ng Best Player of the game.

5. Sa inyong palagay, hanggang saan aabot ang Meralco sa kasalukuyang All-Filipino conference ?
Sa akin, kayang umabot ng Meralco sa semis. In high spirits ang buong team kaya maganda ang inaasahan naming resulta sa All-Filipino conference. Much credit of the team's enthusiasm to Coach Ryan, the coaching staff and management.

6. Kapansin-pansin na sa lahat ng teams na nakapaglaro na, ang Meralco team lang ang may sigla. Saan at paano nakuha ng team ang sigla sa paglalaro ?
Grabe talaga ang sigla at saya namin sa paglalaro. Parang bumalik kami sa collegiate basketball sa saya at sigla sa paglalaro. Pinangangatawanan ng Meralco team ang adhikain ng Meralco company na magbigay ng pag-asa at liwanag sa mga tao. Kaya ganun na lang ang sigla at saya ng mga players sa paglalaro.

7. Naghahangad po ba kayo na manalo ng MVP award sa kasalukuyang conference at maging sa buong season ?
Naghahangad din naman pero hindi yun ang priority ko. Yung maibigay ko ang best ko sa bawat game at manalo ng championship ang Meralco ang mas priority ko. Yung personal award, bonus na lang siguro yun.

8. Ano po nais ninyong iparating sa fans ninyo at ng buong team ?
Sa mga fans, asahan po ninyo na we will play our hearts out in every game. Sana ay lagi ninyo kaming susuportahan at ipagdarasal. Nandito lang kami para " may liwanag ang buhay ninyo ".

No comments:

Post a Comment