Nagbabanta ang Simbahang Katoliko sa lahat ng mga sumusuporta sa Reproductive Health bill nang pagkatanggal sa simbahan. Tama si Carlos Celdran nang ituring niyang mga Padre Damaso ang kasalukuyang namamahala ng Simbahang Katoliko. Parang bumalik ang Pilipinas sa panahon ng mga Kastila kung saan sadyang makapangyarihan ang mga prayle.
Sa mga ikinikilos ng Simbahang Katoliko, malinaw na wala ito sa matinong pag-iisip. Ang pinangangambahan nitong pagpapalaganap ng aborsyon ay di naman mababasa sa RH bill. Sa halip na itaguyod and responsible parenthood, ang Simbahang Katoliko ay nagbubulag-bulagan sa tunay na adhikain ng RH bill. Mas nais ng Simbahang Katoliko na maging mangmang ang higit na nakararaming Pilipino upang mapanatili sila sa kanyang kapangyarihan.
Sadyang nakakapagtaka na marami pa ring miyembro ang Simbahang Katoliko sa kabila nang kawalan nito nang matalas, malawak at makabuluhang pag-iisip.
No comments:
Post a Comment