Thursday, August 5, 2010

ANO PA KAILANGAN NG U.P. MEN'S BASKETBALL TEAM PARA MANALO ?

Hanggang ngayon wala pa ring panalo ang U.P. Men's basketball team sa UAAP. Sa huli nitong laro laban sa Ateneo, may isang yugto sa laro na walang naipasok sa 19 na tira ang U.P..
Marami ang umaasa nung una na makakapasok sa Final Four ang U.P. sa kasalukuyang edisyon ng UAAP. Matapos ipadala sa U.S. ang koponan, lalong tumaas ang expectations ng mga tao sa team. Sa kasamaang palad, umarte ang coach sa simula pa lang ng torneo at nag-file ng indefinite leave. Buti na lang at sinalo ni Coach Boyet ang koponan. Ngayon, isa pang Coach of the Year sa PBA ang coach ng U.P. team.
Subalit nagiging mailap talaga ang unang panalo sa team. Bagamat lumalaban, kinakapos ang mga manlalaro ng U.P.. Madaling panghinaan ng loob ang lahat ng mga players. Ni wala man lang ni isang player ang nangangahas na tumayong lider sa mga sandaling nanganganib matalo ang team. Kapansin-pansin ang pamumutla ng mga players pag pukpukan na ang laban o  nauungusan na ng mga kalaban nila.
Marahil, ang susi ng tagumpay ng U.P. sa basketball sa UAAP ay nakasalalay na rin mismo sa mental attitude ng mga players. Marahil, sa dalawang taong pangungulelat, wala sa isip at puso ng mga players ng U.P. na kaya nila manalo kung magtutulungan. Ito ang malaking hamon sa mga manlalaro ngayon. Kailangan maisapuso ng mga players ang kapasidad na manalo. They must acquire that winning attitude. Only then, I think, can they meet the expectations of the people around them.

2 comments:

  1. walang kwentang blog.

    ReplyDelete
  2. tamad tlga sila...msaya na sa konting lamang....yung sa nu...panalo na nging bato pa/....tapos iiyak sila...men mag quit na kau sa uaap kung talunan n lang plagi...nakakainis na ksi panuorin na plagi na lng talo ang UP FIGHTING MAROONS....LOSER MAROONS TULOY...palitan na din ang monicker...ang pangit na po eh...

    ReplyDelete