Sunday, September 8, 2019

NA-TAP NG TATAP ANG ISANG TRO



Nagtala ng unang panalo ang Table Tennis Association of the Philippines (TATAP) sa kampanya nitong makabalik bilang isang National Sports Association (NSA).

Naglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Gensan Regional Trial Court Branch 37 nitong September 2, 2019 na nagpapatigil sa Philippine Olympic Committee (POC) sa pagkilala sa Philippine Table Tennis Federation (PTTF) bilang NSA para sa table tennis. Ang TRO ay nagbabawal rin sa PTTF na kumilos bilang isang NSA.

Matatandaan na ang gulo sa pagitan ng TATAP at PTTF ay nagsimula pa noong 2012 kung saan itinalaga ni dating POC President Jose Cojuangco Jr. si Ledesma bilang TATAP president. Noong 2016, tinatag ni Ledesma ang PTTF na siyang kinilala ni Cojuangco bilang bagong NSA sa table tennis. Biglang natanggal ang TATAP bilang NSA noong 2016 at patuloy na di kinikila ng pamunuan ng POC hanggang sa kasalukuyan.

Ayon kay POC President Bambol Tolentino. susunod ang POC sa desisyon ng korte. Isasangguni rin ni Tolentino sa POC Executive Board kung ano ang magiging hakbang ng POC kaugnay sa TRO. 

Nakatakda ang hearing para sa injunction sa September 9, 2019.

No comments:

Post a Comment