Sunday, April 14, 2019

ANG PHILIPPINE ARMY DRAGON BOAT TEAM SA 2019 IDBF WORLD CHAMPIONSHIP




Matapos ang tatlong taon na pagkawala, nagbabalik ang Pilipinas sa prestiyosong IDBF World Championship. Ang Philippine Army Dragon Boat Team ang isasabak ng Philippine Dragon Boat Federation (PDBF) sa prestiyosong torneo na gaganapin sa Agosto 20-25, 2019 sa Pattaya, Thailand. Nanalo ng apat na gintong medalya ang Pilipinas sa 2015 edisyon ng torneo.

Sa isang ekslusibong panayam, inilahad ni Lt.Col.Harold Cabunloc, team manager ng koponan ng Philippine Army, ang paghahanda at tsansa ng kanyang koponan na makapag-uwi ng karangalan sa bansa. Narito ang kanyang mga pahayag.

1. Paano napili ang Philippine Army Dragon Boat Team bilang kinatawan ng Pilipinas sa 2019 IDBF World Championship?
Kami ang number 1 team sa PDBF in terms of performance sa mga regatta. Pangalawa, nagpa-open try-out ang PDBF at ang mga atleta ng Army ang nanguna sa performance.

2. Ano ang pakiramdam na ang inyong koponan ang napiling kumatawan sa Pilipinas sa prestiyosong torneo?
Masaya at malaking karangalan  ang mapili bilang parte ng PDBF Elite Team na kung saan 99% sa mga napiling atleta ay mga sundalo. Ito ang pagkakataon  na iwagayway ng mga sundalo ang watawat ng Pilipinas sa isang prestiyosong torneo. Ipapakita namin ang kagitingan ng mga sundalong atletang Pilipino.

3. Ano ang ginagawang paghahanda ng inyong koponan?
Physical training. We will also submit a letter request sa higher headquarters para malaya kaming makapag-ensayo. Naghahanap na rin kami ng mga sponsors para sa mga atleta na sasali sa torneo sa Thailand.

4. Ano ang tsansa na makapag-uwi ng medalyang ginto ang inyong koponan?
90% ang tsansa na makapag-uwi kami ng gintong medalya Gusto naming higitan ang napanalunan namin noong 2011 at 2015. So far, 5 gold medals ang pinakamaraming naiuwi ng mga atleta natin sa IDBF World Championship.

5. Kung maganda ang ipakita ng Philippine Army Dragon Boat Team sa 2019 IDBF World Championship, umaasa ba kayo na kayo ang isasabak sa 2019 SEA Games na gaganapin sa bansa?
Nasa Philippine Olympic Committee (POC) ang desisyon  kung gusto nilang isabak ang mga sundalong atleta sa SEA Games at Asian Games. Patuloy lang namin ipapakita na kaya ng sundalong atleta na masungkit ang gintong medalya sa ano mang torneo. Patutunayan namin na ang mga sundalong atleta ang pinakamalakas at pinaka-disiplinadong atleta ng bansa.

6. Maibabalik pa ba ang pamamayagpag ng Pilipinas sa larangan ng dragon boat racing?
Yes, kaya naming ibalik ang glory days ng Pilipinas sa dragon boat sa pamamagitan ng excellent leadership sa sport. Pananatilihin namin ang disiplina, propesyonalismo at suporta sa dragon boat nang sa ganun ay may sustainability ang sport na ito.



No comments:

Post a Comment