Isa na namang Alyssa ang maging mukha ng women's volleyball sa Pilipinas. Siya si Alyssa Solomon, labing-limang taong gulang at kasalukuyang mag-aaral ng Perpetual Help Binan. Sa taas na 6'2", malaki ang potensyal ni Alyssa na maging pambato ng Pilipinas maging sa international tournaments. Sa nakaraang Palarong Pambansa, pinangunayan niya ang koponan ng CALABARZON sa kampeonato. Si Alyssa ang tinanghal na MVP ng torneo.
Kinapanayam ni Bandera Correspondent Eric Dimzon ang susunod na superstar ng Philippine volleyball. Narito ang kanyang mga pahayag.
1. Paano ka natutong maglaro ng volleyball ?
Yung parents ko po pinu-push po akong mag-volleyball pero ayoko po. Then one day, may pa-tryout sa school namin sa Balibago Elementary School. Ayun po, nagtuluy-tuloy na po dahil nagustihan ko na po.
2. Paano ka napunta sa Perpetual Help ng Binan ?
Yung coach ko po sa Balibago, ka-vlose po yung coach din po sa Perpetua;. Nirekomenda po ako para maglaro sa Perpetual. Nakuha naman po ako. Grade 7 po ako nang lumipat po ako sa Perpetual Binan.
3. Paano mo ilalarawan ang experience mo sa nakaraang Palaring Pambansa ?
Masata po kaso mahirap. First time ko po kasi na maglaro sa Palaro. Nakakakaba po.
4. Inaasahan ninyo ba na kayo ang magiging kampeon ?
Si Coach Regine (Diego) po expected niya na kaya po namin mag-champion. Pero kami po, hindi.
5. Ano ang pakiramdam nang mag-kampeon nga kayo?
Sobrang saya po kasi di po namin ini-expect. Umiyak po kami nang manalo kami dahil humabol lang po kami sa game.
6. In-expect mo ba na ikaw ang magiging MVP ?
Hindi po. Hindi po talaga.
7. Anong aral ang natutunan mo sa Palaro ?
Lumaban lang po at wag susuko.
8. Paano nakakatulong sa iyo ang volleyball ?
Yung parents ko po, walang binabayara sa school. Tapos po yung allowance ko po, binibigay ko sa kanila.
9. Nire-recruit ka na ba ng mga Metro Manila schools and universities ngayon ?
Ini-invite po ako. Naguguluhan po ako. Bata pa po ako para mag-desisyon nang matindi at madalian po.
10. Pangarap mo bang maging national player ?
Pangarap ko po yun. Gusto ko po maglaro sa SEA Games, Asian Games at kung sakali po sa Olympics.
11. May gusto ka bang pasalamatan sa tagumpay na inaani mo ngayon ?
Si Coach Regine po. Yung mga teammates ko po. Yung parents ko po. Pati parents po ng teammates ko po na effort po na panoorin kami. At yung Perpetual po.
No comments:
Post a Comment