courtesy of The Professional Heckler |
Bumulusok pababa ang Philippine sports simula nang umupo bilang Philippine Olympic Committee (POC) president si Jose Cojuangco Jr.
Bukod sa pagbaba ng bilang ng medalya ng Pilipinas sa Asian Games at Olympics, gumulo ang pamamahala ng mga National Sports Associations (NSA's) sa pakikialam ni POC President Peping Cojuangco. Ang Basketball Association of the Philippines (BAP), Philippine Dragon Boat Federation (PDBF) at Philippine Volleyball Federation (PVF) ay ilan lamang sa mga NSA's na pinanghimasukan at tuluyang binuwag ng POC sa ilalim ni Peping Cojuangco. Ang mga atleta naman ng Azkals at Philippine Canoe-Kayak Federation (PCKF) ay pinagbawalang sumali at kumatawan sa Pilipinas ng POC sa ilang mahahalagang torneo sa ibang bansa. At ngayon na, nananatiling walang kalaban si Cojuangco sa nalalapit na POC election na labis namang tinututulan ni Ricky Vargas at kanyang kampo.
Ang hindi ko lubusang maintindihan ay kung ano ang dahilan kung bakit ayaw pa rin umalis ni Cojuangco sa POC sa kabila ng labing-dalawang taon na niyang panunungkulan. Hindi pa ba sapat ang panahon na kanyang inilagi sa POC ? Hindi pa ba sapat ang gulo na nangyari sa ilalim ng kanyang pamamahala ? Hindi pa ba sapat ang lakas ng panawagan ng taumbayan na siya ay magparaya na nang magkaroon na ng pagbabago sa Philippine sports ?
Sobra na, tama na, palita na.
No comments:
Post a Comment