Thursday, October 27, 2016

ANG MALAKING PAGKAKAMALI NI POC PRESIDENT PEPING COJUANGCO

courtesy of sports.inquirer.net


Nagdesisyon ang POC Election Committee na idiskwalipika si Ginoong Ricky Vargas sa pagtakbo sa pagkapangulo ng POC. Iginiit ni Frank Elizalde, na siyang namumuno ng POC Election Committee, na kulang sa pagdalo si Vargas sa mga POC General Assemblies kaya ito hindi maaring tumakbo bilang POC president.

At ito ang malaking pagkakamali ni Peping at kanyang mga alipores.

Sa pagpigil ng kampo ni Cojuangco na patakbuhin si Vargas bilang POC president, naransan na rin ng grupo ni MVP kung paano maging biktima ng pang-aabuso ng grupo ni Peping Cojuangco. Kung dati, nananatiling walang pakialam ang grupo ni MVP sa mga pang-aapi sa iba't-ibang NSA's, ngayon alam na nila kung gaano kasakit ang mapagkaitan ng karapatan. Ngayon, alam na nila ang pakiramdam kung paano maapi. Higit sa lahat, alam na nila ngayon kung gaano na kabulok ang sistema sa pamamahala ng sports sa Pilipinas.

Tiyak na hindi tatahimik lang sa isang tabi ang grupo ni MVP sa nangyaring pagdiskwalipika sa nag-iisang kalaban ni Cojuangco sa pangkapangulo ng POC. Asahan na gagawa ang grupo ng mga hakbang na tiyak na ikakalumpo ni Cojuangco. At ito na marahil ang magsisilbing mitsa para sa inaasam na pagbabago ng Philippine sports.

No comments:

Post a Comment