Sunday, July 17, 2016

ANG BAP AT PVF

Kapwa nadiskaril ang Basketball Asssociation of the Philippines (BAP) at Philippine Volleyball Federation (PVF) sa kagagawan ng Philippne Olympic Committee (POC). Subalit magkaiba ng tinatahak na landas ang dalawa nang ang mga ito ay guluhin at tuluyang sirain ng POC.

Dumating ang BAP sa punto na walang ipinapahiram na players ang PBA para sa pmbansang koponan. Kaya naman, nagkaroon ng panahon na sadyang tumamlay ang kampanya ng Pilipinas sa basketball sa mga torneo sa ibang bansa. Dumating pa sa punto na natalo ang pambansang koponan sa koponan ni Anjo Yllana.  Bagamat natalo ang pambansang koponan dahil nawala ang coach nito sa kalagitnaan ng laro, ginawa itong dahilan ng POC para sibakin at tuluyang di kilalanin ang BAP. At dito na pumasok ang Samahang Baketbol ng Pilipinas (SBP) sa pangunguna ni Manny V. Pangilinan.

Sa pagpasok ng SBP, nagkaroon ng Gilas program ang basketball sa Pilipinas. Kinuha si Coach Raijo Toroman upang isagawa ang programa. Muling nakuha ng SBP ang pinakamagagaling na manlalaro ng bansa. At umabot nga sa FIBA World Cup ang Pilipinas kung saan nagpakitang - gilas ang pambansang koponan na sadyang ikinagulat ng buong mundo.

Kabaliktaran naman ang nangyari sa volleyball. Diniskaril ang PVF nang makabuo ito ng Pilipinas Amihan at Bagwis na binubuo ng pinakamagagaling na balibolista ng bansa. Nanghimasok ang POC nang makabuo ng five-year national team program ang PVF na pinondohan pa ng PLDT Home Ultera at SM Group of Companies.

Sa pagpasok ng Larong Volleyball sa Pilipinas Inc. (LVPI) bilang bagong NSA para sa volleyball, biglang nawala ang programa sa national tam. Nawala rin ang mga pambansang koponan. Pahirapan pa ngayon ang makabuo ng koponan na ipapadala sa mga torneo sa ibang bansa dahil sa di pagkakasundo ng grupo nina Suzara at Palou.

Ayon sa isang opistal ng PVF, walang kaso na palitan ng LVVPI ang PVF kung ito naman ay para sa ikakaganda at ikauunlad ng volleyball sa Pilipinas. Ang tanong, gumanda at umunlad nga ba ang volleyball sa Pilipinas nang palitan ng LVPI ang PVF ?

Sadyang masalimuot ang nangyari sa BAP at PVF sa pakikialam at kagagawan ng POC.


No comments:

Post a Comment