Masalimuot na ang gulo sa pagitan ng POC, LVPI at PVF. Nagsampa na ng kaso sa korte ang PVF laban sa LVPI sa panunulot ng huli sa una bilang opisyal na NSA ng volleyball sa Pilipinas.
Sa dami na ng nasabi ng dalawang kampo , nananatili na walang full FIVB recognition ang LVPI. Hanggang ngayon, walang opisyal na kasulatan ang FIVB na kumikilala ng buong-buo sa LVPI bilang opisyal at nag-iisang NSA sa volleyball ng Pilipinas. Dahil dito, nananatiling walang karapatan ang LVPI na makilahok sa U23 Asian Women's Championships. Walang lehitimong dahilan upang maiugnay ang LVPI sa U23 Asian Women's Championships.
Kaya, huwag sana hayaan ng mga Pilipino na maging kasangkapan sila sa panlilinlang na nagaganap sa kanilang harapan mismo. Panahon na para turuan ng leksyon ang mga mapanglamangan sa kapwa. Panahon na para ipakita ng Pilipino sa buong mundo na may dangal at marunong kumilala at tumuligsa sa mali ang mga Pinoy maging sa larangan ng palakasan. Panahon na at marapat lang na iboykot ang U23 Asian Women's Championship na pinamamahalaan ng LVPI.
No comments:
Post a Comment