|
courtesy of Twitter |
Mainit na pinag-uusapan ngayon sa socila media ang patutsadahan nina Bagwis player Jessie Lopez at dalawang sports writers. Nagkaka-personalan na nga ang ilang hirit sa Twitter ng setter ng Bagwis at dalawang manunulat sa sports. Sa isang ekslusibong panayam, ipinaliwanag ni Jessie ang kanyang matapang na mga pahayag sa Twitter at ang kanyang pinagdaraanan bilang volleyball player.
1. Saan at kailan ka nagsimulang maglaro ng volleyball ?
Sa Laguna ako nagsimulang maglaro ng volleyball. 1998 ako unang naglaro. 1999 , kasama ako sa Southern Tagalog Regional Athletic Association o STRAA. Nag-champion na kami nuon. Grade 6 ako nuon. Sa high school, nag-champion uli kami sa STRAA. Sa college naman, nag-FEU ako. Champion kami for 3 consecutive years.
2. Anu-anong parangal na ang iyong natanggap bilang volleyball player ?
Naging best setter at server ako sa UAAP. Nag-MVP na rin ako sa UAAP. Ako rin ang best setter sa Philippine National Games mula 2010 hanggang sa kasalukuyan.
3. Bakit mo pinupuna ang dalawang sports writers sa Twitter ?
Pinupuna ko sila kasi mali ang mga information na binibigay nila sa mga volleyball fans. Lalo na sa mga fans na hindi aware sa nangyayari sa volleyball crisis sa Pilipinas. Hindi kasi tama na magbigay ka ng maling information na akala ng mga fans eh totoo. Lalo na sa sitwasyon ngayon na lahat nakatutok sa nangyayari sa volleyball. Masyado na nilang pinapaikot ang mga volleyball fans.
4. Anu-anong aral sa buhay ang natutunan mo sa volleyball ?
Siguro yung mangarap at gawin ang lahat para maisakatuparan ang iyong pangarap nang hindi gumagawa nang masama sa iba. At hindi nanloloko ng tao. Gawing inspirasyon ang katayuan sa buhay at talento sa mabuting paraan. Ituring ang mga teammates na mga kapatid, protektahan sila at pahalagahan ang pinagsamahan.
5. Ano ang maipapayo mo sa mga nangangarap na maging magaling na volleyball player na tulad mo ?
Kailangan ng disiplina kung gusto mong matupad ang iyong pangarap. Gawin mong maklabuluhan ang pagiging magaling na atleta. Maging mabuting halimbawa sa younger volleyball players. Wag mong ipagdadamot ang natutunan mo sa sport na minahal mo. Magturo ka para maipasa mo sa ibang atleta ang galing mo.
6. Ano naman ang maipapayo mo sa mga taong umaani ng batikos sa ibang tao ?
Wag mo hayaang mapailalim ka sa kanila. Lumaban ka lalo na kung ikaw ay nasa tama. Wag kang matakot dahil tama ang ipinaglalaban mo. Maglakad ka nang nakataas ang noo dahil nasa tama ka.