Hindi kayang isumite ng grupo ni Romasanta ang mga kailangan upang mabigyan ng full recognition ng FIVB ang LVPI. Matatapos ang palugit ng FIVB sa LVPI na hanggang ika-15 ng Pebrero nang hindi naisasakatuparan ang mga kundisyong ibinigay ng FIVB para sa LVPI.
Isang malaking kahihiyan para kay Romasanta at kanyang grupo na hanggang ngayon, walang stakeholders na mula sa Luzon, Visayas at Mindanao ang gustong sumali sa kanilang grupo. Isang malaking sampal para kina Romasanta na hanggang ngayon, hindi nila makumpleto ang siyam na kataong incorporators ng LVPI. Isang pagyurak sa kanilang dangal na hanggang ngayon, walang player na nagtitiwala at kusang-loob na maglalaro para sa kanila. At isang kasirang-puri para sa kanila na walang malaking sponsor ang nais na tumulong sa kanila.
May kahihiyan pa ba ang sports officials ng bansa ?
No comments:
Post a Comment