Matapos gumawa ng gulo na umabot sa senado, heto na naman sina Jonne Go at Len Escollante ng Philippine Canoe Kayak Federation na gumagawa na naman ng kababalaghan sa 2014 Philippine National Games.
1. Para masiguro na marami ang sasali sa dragon boat events sa 2014 PNG, ginawang mandatory para sa mga PCKF member teams ang pagsali. Nakakahiya nga naman kung konti o walang sumali sa pinangangasiwaang events ng PCKF. Kaya, ginawang mandatory ang pagsali sa dragon boat events para sa mga PCKF member teams. Subalit saan at kailan nangyari na ang mga dragon boat events sa PNG ay naging mandatory para sa mga club teams? Saan at kailan nangyari na puwersahan ang pagsali sa PNG ? Ang puwersado lang sumali sa PNG ay ang mga national teams para ipagtanggol ang kanilang pagiging national teams. Subalit dahil sa binuwag nina Go at Escollante ang national team, wala ng koponan ang puwersadong sumali sa dragon boat events sa PNG.
2. Biglang nagkaroon ng REGISTRATION FEE para sa mga non-PCKF member teams ang dragon boat events sa 2014 PNG. Batay sa website ng PSC, walang bayad ang pagsali sa PNG. Bakit nagkaroon ngayon ? Sa buong kasaysayan ng PNG, ngayon lang nagkaroon ng registration fee ang pagsali ng isang koponan. Kapansin-pansin na kung sino pa ang pinuputakti ng reklamo sa pananalapi, sila pa itong may ganang magpataw ng bayarin sa dapat naman ay walang bayad na paligsahan.
3. Ayon sa ilang mapapagkatiwalaan sources, ang driver at kasambahay ni Jonne Go ay kinuhang technical officials nuong mga nakaraang edisyon ng PNG. Di lang alam ng mga nasabing sources kung technical officials pa rin sila sa 2014 PNG. Walang masama kung gawing technical officials ang driver at kasambahay ng PCKF president. Kung sila ba ay bihasa sa teknikal na aspeto ng dragon boat, walang mali na sila ay kunin. Ang tanong, bihasa nga ba sila sa teknikal na aspeto ng dragon boat ?
4. Tahasang sinuway ng tambalang Go at Escollante ang kagustuhan nina PSC Chairman Richie Garcia at Commissioner Jolly Gomez na gawin ang dragon boat events ng 2014 PNG sa Manila Bay. Sa di malamang kadahilanan, ipinilit nina Go at Escollante na sa Tanauan, Batangas gawin ang dragon boat events. Ang kagulat-gulat, nanaig ang kagustuhan ng dalawang opisyal ng PCKF laban sa naisin ng dalawang mataas na opisyal ng PSC.
Sa susunod na post, ilalabas ko ang mga koponan na patuloy na tumatangkilik sa mga ginagawa ng PCKF. Ito ang mga teams na sa kabila ng gulong ginawa ng PCKF sa Philippine Dragon Boat Team at 2014 PNG ay nananatiling bulag sa nangyayari at takot na manindigan para sa katotohanan.
No comments:
Post a Comment