Sunday, April 27, 2014

ITO BA ANG SINASABING DIREKTIBA NI POC PRESIDENT PEPING COJUANGCO ?

Biglang napunta sa PCKF ang Philippine Dragon Boat Team dahil sa direktibang natanggap diumano ni POC President Peping Cojuangco. Subalit tatlong taon na ang nakalipas, hindi masa-publiko ni Cojuangco o ni PSC Chairman Garcia ang nasabing direktiba. Sumakabilang buhay na si PDBF Coach Nestor Ilagan, subalit ni anino ng direktiba ay di lumalabas. Sa aking pagsasaliksik, ito lamang ang aking nahagilap - isang email mula sa IOC.


Maliwanag na ang nasabing email mula sa IOC ay hindi direktiba. Bagkus, ito ay isang mungkahi lamang. Nakakapagtaka na sinabi ni Cojuangco na isang direktiba ang kanilang natanggap. Kapansin-pansin rin na hindi ang PCKF kundi ang POC ang nagtanong tungkol sa estado ng dragon boat. Pati ang presidente ng swimming association ay nakisawsaw rin. Subalit ni minsan ay hindi nakipagugnayan ang presidente mismo ng canoe-kayak sa IOC tungkol sa dragon boat sa Pilipinas.

Sa gulong nangyayari sa Philippine Dragon Boat team sa ilalim ng PCKF, marahil tama lang na makialam na ang International Canoe Federation at International Olympic Committee. Marapat na sigurong masuspindi na ang Pilipinas sa Olympics para umusbong ang isang malaking pagbabago sa larangan ng palakasan ng bansa.

No comments:

Post a Comment