Maliwanag na ang nasabing email mula sa IOC ay hindi direktiba. Bagkus, ito ay isang mungkahi lamang. Nakakapagtaka na sinabi ni Cojuangco na isang direktiba ang kanilang natanggap. Kapansin-pansin rin na hindi ang PCKF kundi ang POC ang nagtanong tungkol sa estado ng dragon boat. Pati ang presidente ng swimming association ay nakisawsaw rin. Subalit ni minsan ay hindi nakipagugnayan ang presidente mismo ng canoe-kayak sa IOC tungkol sa dragon boat sa Pilipinas.
Sa gulong nangyayari sa Philippine Dragon Boat team sa ilalim ng PCKF, marahil tama lang na makialam na ang International Canoe Federation at International Olympic Committee. Marapat na sigurong masuspindi na ang Pilipinas sa Olympics para umusbong ang isang malaking pagbabago sa larangan ng palakasan ng bansa.