Nagkita-kita kami nina Jay at Tolits kaninang tanghali sa Makati. Lumuyas ng Makati si Tolits upang kumuha ng exam sa inaaplyan niyang trabaho. Sinamahan naman siya ni Jay dahil hindi alam ni Tolits ang pasikot-sikot sa Makati.
Nakakapagtakang isipin na una pa lamang naming pagkikitang tatlo kanina. Matagal ko nang kakilala si Tolits dahil sa blog. Kapwa namin binabasa ang kanya-kanyang blog. Si Jay rin ay isang blogger. Subalit ngayon lang kami nagkaroon lahat ng pagkakataon na makaharap at makausap ang isa't-isa.
Ang lalong nakakapagtaka ay ang pakiramdam na parang matagal na kaming magkakaibigan at magkakakilala. Marahil, dala ito ng aming mga blog. Sa blog, madalas naibubuhos ang tunay na nararamdaman at saloobin. Ang saya at lungkot ay karaniwang nababasa at tuluyang nararamdaman sa pagbabasa ng blog ng isang tao. Sa bawat sulat na inilalathala, kasama nito ang buhay at puso ng isang blogger. Nagulat ako dahil nung nagkaharap-harap kaming mga bloggers, naging madali ang usapan. Naging madali rin makipagpalagayan ng loob. At dun ko naisip na marami pa palang mga mababait na tao na handang ibahagi ang kanilang buhay sa blog man o sa totoong buhay.
Naging masaya ang aming pagkikita nina Jay at Tolits. Sana, maulit muli ang saya na dala ng aming pagkakaibigan na nagsimula lamang sa blog. At sana sa tulong na rin ng aming mga blog, lalo namin makilala ang isa't-isa upang mas tumibay ang aming pagkakaibigan.
nakakatouch naman to bro... :) salamat din sayo.
ReplyDelete