Tuesday, July 7, 2020

ANG ROOKIE SENSATION NG UPMVT NA SI LOUIS GAMBAN SA ISANG ONE-ON-ONE




"Masipag na atleta. Very coachable. Binigyan ko siya ng ibang role at position ilang buwan bago magsimula ang UAAP. Tinanggap niya ito ng buong puso at nag-improve siya nang todo. Alam niya i-motivate ang sarili at kanyang teammates at binibigay niya ang best niya sa bawat laro at practice."  Ito ang paglalarawanni UP Men's Volleyball Team Head Coach Raid Ricafort kay rookie sensation Louis Gamban. Sa unang laro pa lang ni Gamban sa UAAP Season 82, gumawa na siya ng ingay sa kanyang mataray na paglalaro. Subalit biglang nakansela ang UAAP 82 dahil sa COVID-19 kaya naudlot ang pamamayagpag ng rookie sensation ng UP. Sa isang ekslusibong panayam sa Bandera, inilahad ni Gamban ang kanyang saloobin sa mga nangyayari sa kanyang nagsisimulang volleyball career.

1. Kailan ka nagsimulang maglaro ng volleyball?
Grade 10. Sa labas ako nagsimula maglaro. Perpetual Las Pinas ako nag-high school at nahasa sa volleyball.

2. Paano ka napunta sa UP?
Nag-tryout ako sa UP.

3. Masaya ka ba sa UP? 
Yes. Super happy dahil marami ang nangangarapmakapasok sa UP. Pero pili lang ang nakakapasok.

4. Pinag-usapan ang una mong laro sa UAAP kontra Ateneo. Sinadya mo bang magpakitang-gilas para pag-usapan?
Di ko rin expect lahat. Pero isa lang ang nasa isip ko that time. Inisip ko na gagalingan ko at ibibigay ang lahat para umuwi kaming panalo sa UP Diliman.

5. Ano ang naramdamanmo nang kanselahin ang UAAP Season 82?
Sobrang lungkot. Kasi matagal naming pinagpaguran ang lahat. Sayang kasi gigil kaming manalo dahil sa pagkatalo namin sa UE.

6. Tingin mo papasok sa Top 4 ang UP  sa men's volleyball kung tinuloy ang Season 82?
Opo. Sa palagay ko may mararating ang pagsisikap namin araw-araw sa training. Malayo sana mararating namin sa Season 82 kung natuloy ito.

7. Marami kang fans. Pero marami ka ring bashers. Ano ang masasabi mo sa mga bashers?
Ang mga bashers, normal lang yan. Di ko rin naman sila mapipilit na magustuhan ako. Lalo ko na lang pagbubutihinang paglalaro para may mapatunayanako sa kanila.

8. Pangarap mo bang mapabilang sa national team balang araw?
Siguro naman lahat ng atleta gusto i-represent ang bansa natin. Pagbubutihinko para dumating din ako sa puntong yun.

9. Ano ang motto sa buhay ni Louis Gamban?
Alamin ang tama at mali. Pag alam mong nasa tama ka, ipaglaban mo.

10. Ano ang mensahe mo sa UP community?
Salamat sa lahat nang nakaka-appreciate sa talent ko at ng team. Magsusumikap kami para makakuha ng maraming panalo. Salamat po sa suporta.