Wednesday, September 26, 2018

KAMPEON ANG TEAM MONTANEZ



Pinangunahan nina Macrol, Atienza at Karamihan ang opensiba ng Team Montanez upang masungkit nito ang kampeonato sa Binan City Hall Basketball Tournament nitong nakaraang Martes.

Subalit nagkaroon nang malaking kontribusyon ang iba pang manlalaro ng Team Montanez para maitala ang panalo. Pumuntos at dumepensa sina Gonzales, Villanueva, Ibarbia, Casubuan, Taytay, Alibusan, Garcia at Espeleta. Dahil sa tulong nang lahat ng manlalaro, umabot sa 18 points ang kalamangan ng Team Montanez sa huling yugto ng laro.



Pinilit naman nina De Pano, Souza at Maat ng Team Souza na habulin ang kalamangan ng Team Montanez. Subalit kinapos ang Team Souza at nagkasya na lamang bilang first runner-up ng torneo.



Tinanghal na MVP ng torneo si Jason Macrol ng Team Montanez.

Saturday, September 22, 2018

PAGALINGAN SA 2018 BINAN CITY HALL BASKETBALL TOURNAMENT



Mula sa labing-anim, apat na koponan na lang ang natitira sa isinasagawang 2018 Binan City Hall Basketball Tournament.

Bagamat pagkakaibigan at pagpapahalaga sa kalusugan ang mga pangunahing layunun ng torneo, di nagpapigil ang ilang kawani ng city hall ng Binan na magpakitang-gilas at magpamalas ng husay sa paglalaro ng basketball. Kaya naman ang ilan sa kanila ay nangunguna sa pagka-kandidato bilang MVP at miyembro ng Mythical Five. Ang mga kawani-manlalaro na patuloy na nagpapakita ng galing sa torneo ay kinabibilangan nina:

1. De Pano
2. Souza
3. Parate
4. Cambal
5. Carrasco
6. Atienza
7. Macrol
8. Karamihan
9. Manlangit
10. Almendral
11. Dimapilis
12. Pura

Sa Lunes, ika-24 ng Setyembre, ang semifinals ng torneo. Inaasahan na magiging mahigpit ang labanan sa pagitan ng apat na natitirang koponan. Tiyak na sasandal nang lubusan sa mga nabanggit na mga players ang kani-kanilang mga koponan para mapalapit sa inaasam na kampeonato.

Ang 2018 Binan City Hall Basketball Tournament ay bahagi ng selebrasyon ng Civil Service Month ng lungsod ng Binan.