Thursday, July 20, 2017

PVF IS STILL THE FIVB MEMBER

courtesy of worldofvolley.com


"The FIVB Legal and Transfers Department notes that Article 2.2.7.2 in fine FIVB Constitution states that “in the event that a National Federation ceases to fulfill any of the conditions for affiliation, such National Federation shall, even if provisionally affiliated, lose all of its rights until such time as the conditions of affiliation are met”. Because the Philippines Volleyball Federation no longer meets the conditions to be affiliated to the FIVB, the FIVB Legal and Transfers Department can only conclude that the Philippines Volleyball Federation has provisionally lost all of its rights, except membership to the FIVB." 

- FIVB Working File World Congress 2016

What is significant in the FIVB statement above are two points :

1. PVF has not lost its membership to FIVB. Thus, LVPI cannot be admitted as a member.

2. PVF has the right to fulfill the requirements of FIVB for reinstatement.

The fight for PVF is indeed far from over.


Monday, July 10, 2017

PHILIPPINE NAVY SHOWS MIGHT AT THE CHERIFER PREMIUM-PDBF REGATTA 2017



The teams of Philippine Navy stamped their class by besting a total of 43 teams to win first place in all the three categories at the recently concluded second leg of the Cherifer Premium- PDBF Boat Regatta 2017. Philippine Navy finished first in the Women Small Boat, Mixed Standard and Open Standard to score a sweep at the regatta held at Baywalk, Roxas Boulevard last July 9, 2017.

The complete list of winners are as follows :

WOMEN SMALL BOAT
1. Philippine Navy
2. Triton A
3. RCP Sea Dragons
4. Rogue Philippines

MIXED STANDARD
1. Philippine Navy
2. Philippine Coast Guard
3. Triton A
4. RCP Sea Dragons

OPEN STANDARD
1. Philippine Navy
2. Philippine Coast Guard
3. Bruins
4. RCP Sea Dragons

The associations that participated include the following :

1. Adamson Paddlers
2. Amateur Paddlers Philippines
3. Bruins
4. Dragons Republic
5. Maharlika Dragon A
6. One Piece Drakon Sangres
7. Onslaught Racing Dragons
8. Philippine Blue Phoenix
9. Philippine Coast Guard
10. Philippine Navy
11. Philippine Wave Warriors
12. RCP Sea Dragons A
13. RCP Sea Dragons B
14. Rogue Philippines
15. Triton Team A
16. Triton Team B
17. UP Alumni Crew


Sunday, July 2, 2017

IVAN VILLANUEVA : NO RICE KAYA RISE ANG POINTS AT REBOUNDS SA PBA D-LEAGUE



Unti-unti nang gumagawa ng sariling pangalan si AMA Online Education power forward Ivan Villanueva sa PBA D-League sa tulong ng pagbabawas ng timbang. Matapos magbawas ng 30 pounds, biglang gumanda ang laro ng bente-dos anyos na dating player ng Adamson.. Kontra Zark's Burger, nagtala siya ng 29 points at 15 rebounds. Kontra Batangas, pinangunahan niya pa rin ang kanyang koponan sa pagkubra ng 14 points at 3 rebounds. Sa kasalukuyang PBA D-League Foundation Cup, bitbit ni Ivan ang averages na 13 points at 6 rebounds kada laro.

Sa isang panayam ni Bandera Correspondent Eric Dimzon, ikinuwento ni Ivan Villanueva ang kanyang pinagdaanan, kabilang ang pagdidiyeta, para gumanda ang kanyang laro. Narito ang kanyang mga sinabi.

1. Kailan ka nagsimulang maglaro ng basketball ?

Ivan Villanueva (IV)  : Elementary, siguro mga 8 or 10 years old, naglalaro na ako. Sa school ako nag-start maglaro ng basketball.

2. Naging malaking impluwensiya ba ang pinsan mong si Enrico Villanueva sa iyo para maging isang basketball player ?

IV : Sobra po. Siya po yung iniidolo ko bilang player. Gusto ko po maging player na tulad niya.

3. Ano ang itinuturing mong greatest achievement mo so far bilang basketball player ?

IV : Siguro po itong paglalaro ko sa PBA D-League. Bihira lang po nabibigyan ng pagkakataong makapaglaro dito. And by playing here, one step closer na po ako sa dream kong makapaglaro sa PBA.

4. Ilang taon ang binibigay mo sa sarili mo bago umakyat sa PBA ?

IV : Matagal pa po siguro. Mga 5 years pa po siguro.

5. Ano ang dahilan at biglang gumanda ang laro mo ?

IV : Siguro po yung sistema talaga ni Coach Marek kasi po ginagawa ko lang yung sinasabi niya sa akin sa practice at before the game. Kasi sariling sikap lang po ako. Hindi naman po ako pinapasahan dahil may plays para sa akin. Ang sinasabi lang sa akin ni Coach eh cut lang ako nang cut sa ilalim.

6. Bakit mo naisipang mag-diet at magbawas ng timbang ?

IV : Yung stay ko sa Letran ng one year, sila po yung nagsabi sa akin to lose weight. Ako naman, di ko sineseryoso. Then dumating yung time na kinakatakutan ko. Nagkaroon ako ng MCL injury. Yun, pinagawa nila sa akin yung military diet. Nagawa ko naman. Tiniis ko dahil ayaw ko na maulit yung injury ko. From 250 pounds, bumaba ang timbang ko to 221. in one month. I am now at 220 pounds.

7. Ano ang puede mo kainin sa diet na sinusunod mo ngayon ?

IV : Breakfast, banana or one hard boiled egg lang and cheese. Sa lunch, one can of tuna and wheat bread. No rice po ako.

8. Nakatulong ba ang pagbabawas mo ng timbang sa paglalaro mo ?

IV : Sobrang laki ng naitulong sa akin. Nagagawa ko na yung gusto ko gawin sa court. Nakakatakbo ako nang mas mabilis. Nakakatalon ako nang mas mataas. Wala akong nararamdaman na pain sa kness.

9. Ano ang pinakamahalagang aral ang natutunan mo sa basketball ?

IV : Siguro yung maging disciplined talaga. Wala dapat shortcuts. Kasi ako nagawa ko na mag-shortcut para sa career ko. Wala ring nangyari. Ngayon, ginagawa ko na lang ang best ko to improve my game through hard work.

10. Saang PBA team mo gusto maglaro ?

IV : Syempre sa Rain or Shine. Bukod saq nandun si Kuya Rico ( Villanueva ), gusto ko makalaro at makasama si Big Beau Belga. Idol ko rin po si Big Beau.

11. Masaya ka ba sa AMA Online Education ?

IV : Sobra po. Sobrang happy ako sa AMA.

12. Bilang player, ano pa ang kailangan mong i-improve ?

IV : Ang weight ko, kailangan ko pang mapababa. Then yung shooting ko. Lagi pong sinasabi sa akin na maliit ako at 6'2" kaya kailangan ko i-improve perimeter shooting ko.

13. Ano pa ang gusto mong maabot as a basketball player and individual ?

IV : As a player, yung maka-experience ng panalo sa D-League. Yung manalo kami kahit ilang games lang. Then makatuntong sa PBA. Ultimate goal ko maging PBA player.

As a person, magkaroon ako nang maayos na buhay nat ma-achieve ko yung mga goals ko.