courtesy of psr.com |
Maging sa larangan ng palakasan, tila naglaho na ang kagitingan. Sa kabila ng kadakilaan ng ating mga atleta noong nakalipas na panahon, hindi nakuhang panatilihin ang kagitingan sa Philippine sports. Paano ba naman mapapanatili ang kagitingan kung ang mga tulad ni LVPI President Joey Romasanta ang patuloy na namamayagpag sa sports ?
Matatandaan na pinanghimasukan ni Romasantaang volleyball nung nakaraang taon. Nagsumbong siya sa Asian Volleyball Confederation (AVC) at sinabing naging inutil na ang Philippine Volleyball Federation (PVF). Kinalaunan, nagtatag na siya ng panibagong NSA. At tulad ng inaasahan, siya ang tumayong presidente ng kanyang tinatag na NSA para sa volleyball.
Ang di-katanggap-tanggap ay ginawa na ito ni Romasanta noon sa karatedo. Mainam na alalahanin natin na ginulo rin ni Romasanta ang Karatedo Federation. At sa bandang huli, siya rin ang naging presidente ng karatedo. Narito ang isang ulat tungkol dito :
http://thefirstplacefinish.blogspot.com/2015/11/lvpi-president-joey-romasanta-at.html
Pansinin na parehong-pareho sa ulat ang ginawa ni Romasanta sa volleyball. Ginawa niya nuong 2014 ang ginawa na niya nuong 2011.
Hindi sana magtatagumpay si Romasanta sa balak niya kung hindi siya sinuportahan ng mga bayaran na media. Napalitaw na tama ang mali dahil sa mga media na bayaran. At ang masaklap, patuloy pa rin ang mga bayaran na media sa pagpuri kay Romasanta at kanyang mga alipores hanggang sa kasalukuyan.
Kaya ngayong Araw ng Kagitingan, di ko maiwasang magtanong. Saan na ang kagitingan ?